Chapter twenty seven: Happy Go Lucky

2.5K 58 0
                                    

Please vote for my stories, Guys. I need it, to inspire me. So, I can do a another chapter for my stories. Thanks everyone...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jaren Pov

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko. Hawak hawak ko kanina ang kamay ni Cyra, ngunit ngayon ay napahigpit na ito.

Alam kong isang malakas na baril ang umalingawngaw kanina. At alam ko ding galing iyon sa harap ng kwarto ni Cyra.

Ayaw kong lumabas...

"Jaren." Napalapit ako kay Cyra ng marinig ko syang nagsalita.

"Cy-cyra okay ka na?" Pero imbes na sagutin nya ako.

"Go." Saad nya.

Napatitig ako saglit sa kanya habaang inaanalize mabuti ang mga sinabi nya.

And with a loud crash sa labas. Napabitaw ako sa kamay ni Cyra at agad na tumakbo palabas ng kwarto.

Duon ko lang napagtanto na nakahandusay si King sa sahig at wala na sa kwarto nya si Ashley.

May mga nurse at doctor na dadalhin si King sa operation room.

Pero ang mas nakakakilabot ay kung saan galing ang kalabog kanina.

Si Janella na nagwawala. Limang nurse ang nakahawak sa kanya pero nakakabitaw parin ang mga ito sa kanya sa tuwing winawalhig nya ang mga ito.

Sobra na ito...

~~~~~~~~~~

Nandito na naman ako. Nakikipaglaro sa kanya. Ang totoo, kaya lang naman nya ako tinawag kasi, ayaw makipaglaro sa kanya ng kuya nya.

"Sya na naman ang pinili nya." Napatigil ako sa paglalaro ng marinig ko syang magsalita.

Alam ko naman kung sino ang sinasabi nya eh...

"Sya na naman."

"Ako yung tunay na anak, pero sila ang kinakampihan nila!" Ang totoo, inampon lang si Jon simula nung maawa ang mga magulang ni Eric sa kanya. Namatay ang mga magulang ni Jon dahil sa mga magnanakaw.

"Kasing galing din naman nya ako. Wala akong makitang pagkakaiba namin bukod sa ako yung tunay nilang kamaganak!"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Baka kasi...

"Ano?! Mag salita ka!" Utos nya sa akin.

"A-ano... Baka-" Hindi ko pa man natutuloy yung sinasabi ko ay sumalampak na ako sa sahig.

"Umalis ka na nga lang. Baka dagdagan ko pa yang sugat mo sa mukha."

Araw na lang ganito... Lagi na lang. Sa tuwing may sama sya ng loob sa pamilya nya, sa akin nya binubunton.

Tumayo ako ng hawak ang pisngi ko. Hindi naman ako makatakas sa kanya, dahil nung una kong ginawa iyon, ay ilang araw na nanakit ang buong katawan ko.

Lumabas ako ng bahay nila at nakasalubong ko ang kuya nya. Hindi ko sya pinansin at yumuko na lang ako. Kung takot ako kay Eric, mas takot ako sa kuya nya.

Ilang araw pang nangyari ang pananakit ni Eric... Wala naman akong magawa dahil... Obviously, waa talaga akong magagawa.

And the next thing I new, puro pasa na yung katawan ko. Para na nya akong punching bag. Hindi. Punching bag na pala nya ako.

Naglalaro kami ngayon ni Eric ng Ps2 nya. Ng makarinig kami ng kalabog. Nagaaway ang mga magulang nya...

"Hayop ka talaga!" Sigaw ng isang babae mula sa second floor.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon