Chapter eleven: He's back and He already knows

3.6K 89 0
                                    

JANELLA POV

Pag katapos ng party ay nag siuwian na ang lahat. Samantalang ak ay nag tago muna at nag masid sa iba pang Phantoms. Actually nalaman ko sa tito ko na may pera pa pala sila mama sa bangko. Kaya gumawa ng paraan si tito para makuha ko ang pera. Kaya eto ako ngayon balik sa buhay mayaman. Pero hindi parin ako umaalis sa kompanya ni tito. Para kahit gumastos ako ngayon ay maiibabalik ko ang pera sa bangko galing sa sweldo ko.

Nakita ko si Pink na sumakay ng kanyang Honda CR-Z. Si Violet naman ay nag masid pa muna bago pumasok sa kotse nyang Porsche 918. Si Gray naman ay pumasok na din sa kotse nyang Jaguar F-Type. Si Blue naman, masasabi kong... Eh kasi parang ayaw ko nung kotse nya eh. Kasi yung kotse nya ay Aston Martin DB9. Ewan ko lang kung gusto nya yun. Si White naman at si Black ay nag titigan muna bago pumasok sa kani-kanilang kotse. Yung kotse ni White ay isang Lamborghni Aventador. Samantalang yung kay Black naman ay isang BMW2-Series.

Nung wala na ang ibang Phantom ay lumabas na ako sa pinag tataguan ko. Nang makarating ako sa kotse kong Ferrari 458 Spider ay natagpuan kong umiilaw ang phone ko. Pag tingin ko may tumatawag. Yung number na unregistered pero pamilyar. Nung ika-cancel ko na ang tawag ay may nag salita sa likod ko.

Napahinto ako at hindi makatingin sa kanya. Pamilyar ang boses na narinig ko. At ang lahat ng nangyari dati ay bumalik sa ala-ala ko. Narinig kong nag lakad pa sya papalapit sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na niyakap na nya ako.

“I miss you.” Bulong nya sa akin. Duon ako nakagalaw. At lumayo ako sa kanya. Nag lakas loob din akong tignan ang mukha nya.

Malaki ang pinag bago nya.

“Nice gown. Nag party ka?” Tanong nya ng nakangiti.

“Seb.” Tangin nabanggit ko lang. Lalong lumawak ang ngiti nya at yayakapin nya ulit ako. Pero bago pa man nya yung magawa ay nag salita na ako.

“Bat ka nandito?” Tanong ko sa kanya. Shet! Hindi to pwede! Bakit sya bumalik. Dapat hindi na sya bumalik. Sebastian Panerio! Dapat hindi kana bumalik...

“I just miss you..” Sagot nya sabay shrug.

“Well, I don’t miss you.” Sabi ko at tumungo ako sa pintuan ng kotse ko.

Nag pout sya pero ngumiti ulit.

“Kadadating ko lang pero ganyan ka na.” Sabi nya. At pumasok na ako sa kotse ko.

“Wala akong matitirhan eh.” Sabi nya at sumakay din sya sa kotse ko.

Oh no! Shet! Wrong timing talaga. Kung kelan ganitong kotse ang dala ko. Hindi sya pwedeng sumabay sa akin.

Alam na ng lahat na ako at ang Red Phantom ay iisa. Siguradong manganganib sya pag nakita nila kaming mag kasama. Geez! Seb bakit ngayon ka pa dumating! Napaka wrong timing!

“Sige. Pero isuot mo to.” At ibinigay ko na lang sa kanya ang mascara ko.

“Pero pang baba-”

“Susuotin mo o iiwan kita dito.” Pag putol ko sa sinasabi nya. He sighed but yet, he wear my mask.

Pinaharurot ko agad ang kotse ko at wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay ko. Nagulat ako kasi nasa may gate ko na yung mga bag nya. Tinignan ko sya ng nakakunot ang noo. Pero ngumiti lang sya at tinanggal ang mascara ko. Agad ko iyong kinuha sa kanya. Ngayon hindi ko na kelangan ng mascara. Itatago ko na lang ito sa volt ko. Napa smirk na lang ako nung maalala ko ang volt ko. Hindi na pala ako nakakapunta duon. I miss that much. When me and dad are going there just to clean the...

“Anong nginingisi ngisi mo dyan? Tulungan mo kaya ako.” Sabi ni Seb sabay kuha ng tatlong bag. Weak! Tatlo lang.

“Bakit kasi ang daming mong dala? Para ka ng hindi babalik sa amerika eh.” Sabi ko.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon