Ashley Pov
"Kamusta, Pink?" Nangilabot ako sa boses nya.
Si King naman ay bumitaw sa akin at hinarap ang babaeng nakangisi samin ngayon. Nakamascara sya, her old mask.
"Sino ka?" Saad ni King. Hinawakan ko sya sa braso... Baka mapatay kami ngayon kung hindi pa kami aalis.
"Alamin mo, Blue Phantom. Anyway, saglit lang ako dito... May aasikasuhin pa ako." With that, umalis na sya.
Janella... Mukhang nasa panganib si Janella.
"King, si Janella." Nag nod si King at dumeretsyo kami sa kanya kanyang kotse.
Kakalimutan ko muna ang ginawa nya ngayon, pero pag katapos ng larong ito. Gaganti ako.
Agad naming trinack kung nasaan si Janella, pero wala.
Hinanap namin sya sa bahay ng Panerio... Pero wala pa rin.
Pumunta kami sa kung saan ang mga basement ng mga Panerio, ngunit bigo kami sa kakahanap.
Hanggang sa puntahan na namin si Black.
"Bakit nyo kasi sya iniwanan?"
"We were having a party." Saad ni King ng seryoso.
"Tanong ko lang, bakit nanggigigil ka ngayon? Samantalang ikaw din ang dahilan kung bakit sya napahamak."
"Gianawa ko yun dahil, malalaman at malalaman din naman nya ang katotohanan. Gusto kong sya mismo ang makaalam, para hindi gaanong kasakit ang epekto sa kanya."
Ngayon lang nag explain ng ganito sa amin si Black.
"Nasan ang Violet at Gray Phantom?"
"Malay namin, baka nasa higaan?" Nabato ko kay King ang kutsilyong hawak ko, pero nasalo din nya ito agad.
"Matanong ko lang din, sino si yung babae kanina? Sya ba yung Old Red Rose Phantom?" Saad nya habang nag sign pa sya gamit ang mga daliri nya.
"Pink, gawin mo ang lahat para matrack si Janella. Ikaw din King, ihanda mo na ang mga gagamitin natin." I just nodded. Pero si King, mukhang nabadtrip ata dahil hindi sya sinagot ni Black.
Tumayo na ako at sinimulan ko ng itrack si Janella... Pero wala talaga.
"Try to look at Seb Panerio." Biglang singit ni King.
Ginawa ko ang sinabi nya. Pero ang daming code, para lang malaman kung nasaan tong taong to.
Habang nag tatype ako ng mga codes ay bigla na lang syang nagsalita.
"Sino yung babae kanina?" Hindi ko sya sinagot.
"Sino yung babae kanina? Pink". Malamig na saad nya. Nainis ako bigla.
"King ano ba?!"
"Ano? Nag tatanong lang ako."
"Stop asking, will you?"
"I wont." Binilisan ko na lang ang pag type ng code. Pero hindi nya ako tinantanan.
"King, malalaman mo din ang lahat. Maghintay ka lang."
"Bakit kelangan kong mag hintay, kung pwede ko naman ng malaman ngayon?"
"Bullshit, King. Hindi ka ba tatahimik?"
"Nope. Kaya sabihin mo na sakin."
Huminga ako ng malalim. Bago ako mag salita.
"Yung babae kanina, sya yung Red Phantom... Old Red Phantom, actually."
BINABASA MO ANG
The Red Rose Phantom (Completed)
FanfictionA story of a girl that fill of mystery and tragic. Pano nya tatakasan ang mga ito? Kung ang trahedya mismo ang sumusunod sa kanya. Pero mali, hindi nya sinubukang takasan ang mga ito, bagkus hinarap nya ito ng walang takot. Janella Mae Smith the gir...