Chapter eighteen: Jm/Jl

3.1K 81 0
                                    

Janella Pov

"What?!" Mukhang nabingi ata ako ah.

"I said. Date me for a week."

"Seryoso ka?"

"Bakit hindi?"

Napatitig ako sa kanya. Sa lahat lahat. Ang lakas ng loob nya ah. Napahawak ako sa noo ko. At tinignan ulit sya. Siguro... Tama na ang isang linggo para gawing impyerno ang buhay ng isang ito. Napangiti ako.

"Sure." Saad ko.

Ngumiti sya...

"Then change your clothes."

"Why would I?"

"If you dont want to date me with that stinky clothes of yours." Napatingin ako sa damit ko. What the?! Stinky ka dyan? Ang ayos ayos tignan nito eh.

"Just change it."

"Teka nga. Bakit-"

"Yup. Ngayon ang umpisa."

Pakshet.

May pumasok na maid sa living room. At may ibinigay sa akin na isang box. Tapos bigla akong hinila papunta sa kung saan.

Biglang may pumasok na kung ano sa utak ko. Parang vision na ewan. Pero hindi sya vision eh. Parang ala ala.

Tumatakbo ako. Sa mismong hallway na kinatatayuan ko ngayon. At may humahabol sa akin na isa ding batang lalaki. Tawanan kami ng tawanan. Tapos...

"Ah Mam. Pasok na po kayo." Sabi nung maid.

Pag pasok ko...

Pumasok ang mga bata sa kwarto. Tawanan ulit sila ng tawanan. Ang saya saya nila. Hanggang sa biglang mabasag ang mga bintana. Ang dalawang bata ay nagulat. Biglang umiyak ang babae. (Na obviously ako.) Pero pinatahan ito ng batang lalaki at pinatago ako nito sa ilalim ng kama. Ang lalaki naman ay may kinuha sa drawer. Nanginig ako sa takot nung malaman kong baril ang hawak nya. Bigla na lang syang bumagsak sa sahig at duguan na ang katawan nya. Napasigaw ako sa takot. May humila sa paa ko at inilabas nya ako sa pinagtataguan ko. Sigaw ako ng sigaw. Hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril...

"Day dreaming huh." Nagulat ako nung may nag salita sa likod ko.

"Tapos na ako sa- Why are you crying?"

Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako.

Nag shrug na lang ako.

"Just change your clothes." Saad nya at parang galit syang umalis sa kwarto.

Naghanap ako ng banyo at saka ako naligo. Alam kong ang sabi ni Jon ay magpalit lang ako ng damit. Pero hindi ko carry eh.

Kailangan kong maligo.

Pagkatapos kong maligo at syempre nakabihis na ako. Ay lumabas na ako ng kwarto.

"Ang sabi ko-"

"Yeah yeah. Sabi mo. Magpalit lang ako. Eh sa gusto kong maligo eh. Magagawa mo?" Pagtataray ko sa kanya.

Nag sigh na lang sya. At naglakad na lamang sya papunta sa living room. Syempre sumunod ako.

"Saan mo ako idedate?" Tanong nya. Ng makarating kami sa car nya.

"Ako mag mamaneho." Sabi ko na lang at inagaw ko sa kanya yung susi sabay pasok sa kotse nya. Sya naman ay walang nagawa at pumasok na lang din sya at umupo sya sa passenger seat sa katabi ko.

Pinaharurot ko na yung kotse.

"Wait up. Punta muna tayo sa park."

Napalingon ako saglit sa kanya. Saka ako lumiko papunta sa park.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon