Flashback
Ariel Pov
Agad akong tumayo ng mapatumba ako. Ang sabi nya, kelangan kong magtrain. Ang sabi nya, kailangan kong maging malakas. Sya na lang lahat.
Pinunasan ko ang labi kong pumutok dahil sa pagkakasuntok ng lalaking ito sa akin.
Kumuha pa talaga sya ng trainer para sa akin.
Ang sabi nya, gawin ko lang lahat ng sinasabi nya, hindi na masasaktan ang pamilya ko.
Kaya eto ako ngayon. Nagpapalakas hindi para sa kanya. Para ito sa kapatid ko, para maprotektahan ko na sya.
Kailangan ko pang umarte sa harap ng mga magulang ko na hindi ko sila matandaan, pero ang totoo, gustong gusto ko na silang yakapin.
Ilang taon. Ilang taon na ba ako dito at ginagawa ang lahat ng sinasabi nya?
Ilang taon ko syang kasama... Pati si Seb, nakakairita na.
"Ariel, mag train tayo." Napalingon ako sa kanya.
Wala syang ginawa kundi magpasikat sa ama nya. Kahit anong sabihin ng ama nya, agad agad nya itong sinusunod.
"Kaya mo na yan." Saad ko habang nag susuot ng sapatos.
"Saan ka pupunta? Lagot ka kay daddy pag-"
"Lagot ako sa kanya pag nalaman nya. Ipapaalam mo ba?"
Tumitig muna sya sa akin bago umiling. Ngumiti na lang ako sa kanya saka ako humarap sa bintana.
Ilang beses ko ng nagawa to kaya magagawa ko ulit ito ngayon.
Kumapit ako sa poste at dahan dahang nagpadausdos pababa.
Araw araw akong pumupuslit para lang makita sya.
Ng makarating ako sa tagpuan namin. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap ko sya.
"Christo."
Tinignan nyang mabuti ang mukha ko at napakunot na lang ang noo nya ng makita ang sugat ko sa labi.
"Anong nangyari dyan?"
Umiling na lang ako.
"Wa-wala."
"Sinaktan ka na naman nya?"
"A-ano... Hayaaan na lang natin yan. Tara sa tambayan."
Member kami ni Christo ng isang gangster. Kaming tatlo... Ay mga gangster. Mali, apat na pala kami. Si Jaren ang pang apat. Pangatlo naman si Cyra. At magiging lima na kami sa susunod.
Unfortunately, yung kapatid ng boyfriend ko, naging Phantom din pero hindi sya kasama sa grupo namin.
Pagkatapos kong magbihis agad akong lumabas ng kwarto at nakipagsaya sa iba.
Kinatatakutan kami dito dahil isa kami sa malalakas na gangster. Well, natatakot sila sa akin dahil... Boyfriend ko ang Black Phantom.
Ang tawag nila sa akin ay Red Rose Phantom. Pinangalan ko yan sa sarili ko dahil mahilig ako sa rose at dahil maganda ang combination ng black at red.
"Ipangako mong walang makakaalam nito."
"Yeah. I promise."
Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.
"Pano pag nalaman nya to?"
"Hindi nya malalaman to."
Tinignan ko sya ng mabuti at nag sighed sya.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Phantom (Completed)
FanfictionA story of a girl that fill of mystery and tragic. Pano nya tatakasan ang mga ito? Kung ang trahedya mismo ang sumusunod sa kanya. Pero mali, hindi nya sinubukang takasan ang mga ito, bagkus hinarap nya ito ng walang takot. Janella Mae Smith the gir...