Chapter seventeen: The Highblood One

3.4K 81 0
                                    

King Pov

"Hoy Jaren."

"Yeah?" Tumingin lang sya saglit sakin saka nya ulit tinuloy ang ginagawa nya.

"Si Cyra. Anong nangyari sa inyo kahapon?"

Napatingin sya saglit sa akin. Saka ulit sya tumingin sa laptop nya.

"Bakit mo natanong?"

"Tss. Alam ko na iniisip mo. Wala akong gusto sa kanya. Okay?"

"Wala naman akong sinasabi. Defensive ka." Ngumiti sya sakin ng nakakaloko.

"Tss. Sabihin mo na lang."

"Hinalikan ko sya." Napangiti ako sa sagot nya. Akala ko pa naman...

Tumayo na ako at napatingin sya sakin ng nagtataka.

"Dont worry. Hindi na tayo parehas ngayon."

Ngumiti din sya sa akin. Saka ako naglakad papunta sa pinto.

"Good." Rinig kong sabi nya bago ako makalabas ng pintuan.

Agad akong pumunta sa taong nagpatawag sa akin kanikanina lang...

~~~~~~~~~~

"Isa pa!"

"Isa pa!"

"Isa pa!"

Rinig kong sigaw ng mga bata na kasing edad ko. Pumunta ako sa malapit sa kanila. At nakita kong may nagaaway sa gitna ng lahat.

Tss. Pinipilit nilang malakas kahit hindi naman. Ano bang magagawa nila? Eh bata lang naman din sila katulad ko.

Paalis na sana ako ng bigla akong matumba sa kinatatayuan ko.

Pagtingin ko. Nabunggo pala ako ng batang duguan na...

Duon ko lang nalaman na hindi pala sila nag aaway. Binubugbog lang nung isang bata itong umiiyak na lalaking to.

Tumayo ako at pagtingin ko sa damit ko ay puno na ito ng dugo.

Napatingin ako sa bata na hindi na makatayo sa sahig.

Nung susuntukin ulit sya ng lalaki ay agad kong sinalo ang kamao nya.

"King. Wag kang mangialam dito." Ang alam ng lahat ay marunong ako sa martial arts. Kaya naman walang nang bubully sa akin.

Hindi ko sya sinagot at sinuntok ko na lamang sya. Agad sya napatumba dahil sa lakas ng pag kakasuntok ko sa kanya.

Nagtakbuban silang lahat.

Tinulungan ko ang bata na makatayo at inakay ko sya sa bahay namin.

Ipinaliwanag ko sa nanay ko ang nangyari. At naintindihan naman nya ito. Tinulungan nya ang bata...

Nag lalaro ako ng Psp ng makita ko syang bumangon sa sala.

"Hoy." Tawag ko sa kanya.

Napatingin naman sya sa akin.

"Nasan ako?" Tanong nya sa akin.

"Nasa bahay kita."

"Diba. Ikaw si King?" Tanong nya ulit.

Umayos ako ng pagkakaupo.

"At ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Jaren."

"Jaren ???"

"Jaren Vargas."

Tapos tumingin ulit ako sa Psp ko.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon