Chapter sixteen: Versus

3.3K 76 0
                                    

ThirdPerson Pov

Naglalakad ang isang babae sa may iskinita. Galing sya sa isang mansion sa hindi kalayuan. Kinausap nya ang taong naguutos sa kanya para protektahan si Janella. Naglalakad ito na para bang zombie. May iniisip kasi sya. "Nalaman ng lahat na si Janella ay ang Red Rose Phantom. Dahil pinaalam nya ito. Pero bakit nalaman ng lahat na ang best friend ni Janella na si Sebastian Panerio ay ang nag iisang anak ng Damn Lord. Tila ba may nagkalat nito. At mukhang pinaglalaruan kami ng taong gumawa nito." Iniisip nya kung sino ang nagpakalat ng balita na si Sebastian ay ang anak ng Damn Lord. Mga bagay na hindi pa naiisip ni Janella ngayon. Hindi nya ito naiisip dahil sa sobrang stress. Stress na stress na sya dahil sa mga nangyayari. Kung iisipin pa nya ang tungkol sa iniisip ngayon ni Cyra ay baka sumabog na ang utak nya. At Yup. Si Cyra Alvares nga ang babaeng naglalakad ngayon sa iskinita.

Napatigil sya ng biglang may humarang sa kanya. Ang Gray Phantom. Tumalikod na lamang ang dalaga at nagpasyang umalis. Ayaw nyang makalaban ang isang Phantom ngayon. Pero bago pa man makalayo si Cyra ay nahawakan na sya ng Gray Phantom sa kaliwang braso. At hinigit nya ito para mapaharap sa kanya si Cyra. Nainis si Cyra sa ginawa nito.

"Ang ayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako eh."

"Wala akong paki." Nagulat ang phantom sa inasal ng dalaga.

At mas ikinagulat ni Gray ay ang pagtulak ni Cyra sa kanya ng napakalakas.

Sinuntok ni Cyra si Gray. Na labis na ikinagalit ng Phantom. Tumawa ito ng bahagya bago magsalita.

"Ang lakas ng loob mo ah."

Tinanggal ni Gray ang mascara nya. Na labis na ikinagulat ni Cyra. Naglabas si Jaren ng Gray na card na ginawa din Ni Cyra. Inihagis nila sa isat isa ang card nila.

"So. Cyra Alvares. Ikaw pala ang Violet Phantom."

"

"Ako nga. At wala ng iba. The Gray Phantom. Or should I say. Jaren Vargas."

"Hindi ko akalain. Na ang isang nerd sa school. Ay ang wild dancer ng mga Phantom."

"Hmm. Ang cassanova sa school. Ay wala ding pinagkaiba sa cassanova ng gangster world."

Sabay pa silang natawa. At tumigil din agad. Agad na sinugod ni Cyra si Jaren. Na agad na nailagan ng binata. Sa ganitong laban, mas lamang si Cyra kaysa kay Jaren na mas magaling sa double combat. Sumugod ulit si Cyra pero nakailag ulit si Jaren. Ngunit sa pagilag nya ay tumama naman sya sa pader. Masikip na iskinita lamang ang kanilang pinaglalabanan. Gaganti sana si Jaren kaso pag tingin nya ay wala na si Cyra sa harap nya. May kumalabit sa kanya mula sa likod. At ng tignan nya ito ay bumungad ang kamao ni Cyra sa pagmumukha nya.

Nasuntok nga sya ni Cyra ngunit. Nahablot naman agad ni Jaren ang kamay ng dalaga, kaya naman nahuli nya ito. At hindi na makagalaw ang dalaga. Nagpupumiglas si Cyra. Ngunit ngumiti lang si Jaren ng nakakaloko. Unti unti nyang nilapit ang katawan nya sa katawan ng dalaga. At ikinulong nya si Cyra sa pagitan nya at ng pader. Nagpupumiglas parin si Cyra hanggang sa mahalikan na sya ni Jaren. Nanlaki ang mata ni Cyra at ginusto na talaga nyang makaalis ngunit hindi sya makagalaw. Umabot ng ilang sigundo. Bago ilayo ni Jaren ang labi nito sa labi ni Cyra. Nagpupumiglas lalo ang dalaga hanggang sa makaalis sya. Susugurin pa sana nya si Jaren. Kaso biglang sumulpot si Blue mula sa di malamang lugar. Kaya imbes na sugurin ni Cyra si Jaren ay umakyat na lamang sya sa hagdan at saka tumalon sa kabilang building. Ng makarating sya sa rooftop ay sumilip muna sya sa baba. At nakita nyang tinanggal ni Blue ang mascara nya. At bumunggad si King Benavente. Nag flying kiss naman si Jaren sa kanya. Na labis nyang kinainis kaya tuluyan na syang umalis.

~~~

King Pov

Natapos ko na. Nagawa ko na ang pinapagawa nya. Ngayon kelangan ko na lang puntahan ang Jaren na iyon. Baka may nagawa nanaman syang kalokohan.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon