Chapter twenty six: Trouble

2.6K 63 0
                                    

Please vote for my srories, Guys. I need it, to inspire me. So, I can do a another chapter for my stories. Thanks everyone...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jaren Pov

"Ano kayang ginagawa nila?" Lahat kami napatingin lahat kay Ashley.

"Bakit kaya pinaalam nya?" Napailing na lang ako. Alam naming lahat kung anong sinasabi ni Ashley.

Bakit nga ba pinaalam pa nya? Ang tagal tagal na naming itinago kay Janella ang lahat tap-

*Bang!

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng kabahayan. Nagtayuan kaming lahat at agad na tinungo ang direksyon kung saan nanggaling ang malakas na putok.

Nagulat na lang ako na sa kwarto na kinalalagyan nila Janella kung saan nanggaling ang malakas na putok.

Agad na kinatok ni Ashley ang pinto, pero walang sumagot at wala na kaming narinig na ingay.

Pinatabi ko si Ashley at agad na sinipa ang pintuan.

Bumungad sa amin ang nakatayong si Janella. Samantalang si Jon ay nakahandusay sa sahig. May daplis ng bala ang balikat nya at wala na syang malay. Ngunit, hindi iyon ang ang dahilan para titigan namin sya. May isang kahoy na nakatuhog sa kanang paa nya.

And with that, napalunok ako ng ilang beses at napatingin kay Janella.

Nakatingin na sya sa amin ngayon at emotionless ang mukha.

Ramdam ko ang tensyong nabuo sa kwarto. Wala ding tauhan ni Jon ang dumating, malamang nautusan sila na kahit anong mangyari ay hindi muna sila makikialam. Ganun din ang utos sa amin ni Jon, ngunit hindi ako-kami nakinig.

Lahat kami nagulat na humakbang ng isa si Janella patungo sa direksyon namin.

Umatras kami ng dalawa at yun ang pinaka maling nagawa namin sa ngayon...

Sumugod si Janella sa amin at agad kaming inatake.

Tumalon ako pakaliwa at ang nasugod ni Janella ngayon ay si King. Agad akong humakbang para kumanan ngunit nagulat na lang ako ng nasa harap ko na si Janella at agad akong sinuntok sa mukha.

Umiwas ako ng bahagya at agad syang sinipa sa sikmura na dahilan para mapaatras sya ng kaunti... Sapat na sa akin yun para makalayo sa kanya.

Ngunit sa paglayo ko, si Cyra naman ang nakita nya at sinugod nya ito... Hindi agad sya nakadepensa dahil patakbo sya sa kwartong kinalalagyan ni Jon ng atakihin sya ni Janella.

"Aarrrrgghhh!" Sumigaw si Cyra dahil sa sakit. At ang mas lalo kong ikinagulat ay...

"Your dead." Binali ni Janella ang leeg ni Cyra sa isang galaw lang ng kamay sa ulo ng hawak nya.

~~~

ThirdPerson Pov

"You bitch!"

Nasa budegang maganda si Janella at ngayon isang babaeng puno ng make up ang mukha ang tumawag sa kanya ng 'Bitch'.

Napataas ang kilay ni Janella at agad na hinarap ang babae. May talsik ng kung anong likido sa damit nya at inis na inis ang pagmumukha nya.

Mukhang baguhan ito dito, dahil hindi nya kilala si Janella.

"Are you talking to me? Huh, shit?" Naform sa kamao ang kamay ng babae.

"How dare you to ruin my dress?!" Saad nito.

"If you dont stop making a snap on me, then I'll asure you, your life will be ruin to." Walang emosyong saad ni Janella.

"Who-who are you?" Nawala ang galit sa mukha ng babae at nabalot ito ng takot.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon