Chapter eight: Assignment

5.3K 103 4
                                    

Ngayong araw na to ay boring akong naglalakd sa corridor ng school namin. Halos lahat ng madaanan ko ay tumitingin sa akin kasi para akong zombie na naglalakd dito. Nung tumingin ako sa mga babaeng nag chichismisan at halos mapasigaw silang lahat. Humagalpak naman ako ng tawa. Patawa tawa pa ako habang nag lalakad papunta sa first subject ko ngayong araw. Mukha na nga akong baliw eh. Siguro epekto na din ito ng pagkaboring.

Halos madapa naman ako nung may mabunggo ako. Si Vice president pala ng SC. SC thier face!

"Sorry." Sabi ko na lang.

Tapos ay dumaretsyo na ako sa classroom. Nakita kong lumipat si Cyra ng upuan at nakatabi na sya ngayon sa usual seat ko. Ako naman ay hindi sya pinansin at umupo na lang. Pag pasok ni Jon ay pumasok na din yung prof.

"Okay class, hindi na ako mag tatagal. May announcement lang ako sa inyo." Sabi nya. Sa lahat ng Prof ay sya lang ang nagtatagalog.

"May assignment lang akong ibibigay sa inyo. Ang kaso ay kelangan nyong pumunta sa ibang lugar para sa ass. na to."

"Gagawa kayo ng report tungkol sa iba't ibang pamumuhay ng bawat probinsya. At dahil 23 lang kayo sa lahat ng klase ko ay kukuha tayo ng isa sa ibang studyande ko."

"Group yourself into six. At bawat group ay may member na apat." Sabi nya.

"Since marami sa atin ang nakatira dito sa luzon ay sa visayas kayo pupunta para sa inyong assignment."

Lahat ay nagkagulo. Biruin mo! Visayas! May gulay! Mamaya makakita ako ng kung ano duon eh. Sabagay wala namang harm diba. Pero baka may aswang....

Lahat nga nagkagulo at yung iba ay nag aaway pa dahil nag aagawan ng grupo. Kaya nung narindi yung prof....

"SHUT UP YOU GUYS!" Ayan ang kinalabasan nung narindi nga yung prof.

"Ako na lang ang mag iisip na kanya kanyang grupo." Sabi ni mam ng nakahawa pa sa noo nya.

"Group A. Alonzo, Vargas, Smith and Santos." Napatingin ako kay Cyra nun. Sayang. Hindi kami mag kagrupo.

"Group B. Alvares, Benavente, Velasquez and Lee." Mag kagrupo si Cyra at si King. Patay. Baka mag kainisan lang yang dalawang yan. Yung Lee naman ay bakla, ewan ko lang kung may makasundo sya sa mga kagrupo nya.

At iniinisip ko ang pwedeng mangyari sa Group B ng mag salita si mam.

"Class. Okay na. Labas na kayo."

Tapos na pala.

"Oh. May nakalimutan ako."

"Group A. Sa Antique kayo naka aasign. Kahit isang lugar lang sa antique ang magawan nyo ng report okay na."

"Group B. Sa Samar naman kayo."

Teka... May aswang ba sa antique? Habang iniisip ko ng kung may aswang sa pupuntahan namin ay narinig ko nanamang nag salita si mam.

"One week lang kayo dun. Kaya do it well guys. Team works and observe. Yan ang kailangan nyo. Para maperfect ang grade. That's all, thank you." With that, umalis na si Mam. Lumapit naman si Ashley sa akin.

"Bukas na tayo aalis. Barko or airplane?" Tanong nya.

"Airplane." Sabay na sagot ni Jaren at Eric the Mr. Vice President.

"Barko na lang tayo. Hindi ko pa naranasan duon eh." Sabi ko na feeling excited.

Napakamot sa ulo si Jaren samantalang ngumiti lang si Eric. Si Ashley naman ay naging excited din ata?

"Ngayon na pala tayo umalis. Mamayang gabi. One day ata kasi yung byahe. Sayang yung oras pag ganun." Sabi ko.

>>>

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon