Chapter twenty: What is mine

3.3K 78 0
                                    

ThirdPerson Pov

Naglalakad si Janella sa hallway ng may ngiti sa labi. Si Jon naman ay nakasunod lang sa kanya.

Balitang balita na sa buong campus ang pag dedate ng dalawa dahil na din sa may nakakita sa kanila kahapon sa mall.

Si Cyra naman ay inis na inis ng mabalitaang nag dedate daw sila ni Jaren. Habang ang binata naman ay walang paki alam sa kumalat na balita at tuloy parin sa pangbababae.

Si King naman ay parang ispiya sa ginagawa nya. Kanina pa sya nag mamatyag, kung may kahina hinala bang pagkilos ng mga tao. Dahil na din na din sa naisip nyang hindi si Janella ang tunay na nagumpisa ng larong ito.

Si Ashley naman ay masayang nakikipag usap lamang sa iba pang cheer leader.

May mga taong nag pupuntahan sa gilid pag dumadaan si Janella. Marahil takot sila sa dalaga...

Napalingon silang lahat ng may bumaba mula sa puno. Ito ay si Sebastian Panerio... Nakangisi itong lumapit kay Janella.

"Kam-" Hindi na nya natapos ang pagsasalita nya ng may tumabi sa kanya.

Ito ang mga student councils... Ang Meteor Univerity ay isang weird na eskwelahan. May student council sila na dapat ay para sa elementary at highschool lamang... Dito din nag aaral ang mga Phantoms.

Para bang ang Student Council ay isang malaking props lang. Kumbaga sila lang ang mga taong inuutos utusan lang sa school.

Pero ibahin nyo si Eric Santos. Isang napakatalinong tao. Na kahit sa mga Phantoms ay hindi pa nya nakakabangga. Kumikilos sya ayon sa mga naiisip nya. Ngunit iba ngayon. Alam nyang si Janella ay ang Red Phantom. Kaya nagaalangan sya kung ano nga ba ang gagawin nya ngayon.

"Banas." Bulong ni Janella.

"Pumunta ka sa Council's Office." Sabi ng presedente nila.

Agad naman sumunod si Janella ng nakangiti.

Nag titigan muna si Eric at si Jon bago umalis ang iba pang council student.

Si Jaren naman ay mistulang nabored na sa mga kausap nyang babae kaya lumapit ito kay Cyra.

Napatigil saglit si Janella at lihim na napangiti. Nagcross armed ito at pinanunod muna ang palabas na mangyayari.

Hinalikan bigla ni Jaren si Cyra.

"That's how I kissed an Angel."

Sa inis ni Cyra. Sinipa nya si Jaren sa maselang parte nito.

"And that's how I kicked balls. That's called soccer."

Napa smirk na lang si Janella saka tumuloy sa pag lalakad. Sumunod naman sa kanya ang mga stundent council.

Si King naman ay gusto mang tulungan ang kaibigan ngunit hindi nya magawa. Masyado syang busy para sa mga sinusubaybayan nya.

Janella Pov

Hindi ko expected na mangyari yun. Although pansin ko nga nung una palang na may gusto sya kay Cyra. Hindi ko akalaing ganun pala ang way nya para lang makascore... Hai... Mga lalaki nga naman... Dumadami na nga ang torpe sa mundo.

May inabot silang papeles sa akin. At nandito lahat ng records ko... Mga napatay at nabiktima ko...

Ngumiti lang ako sa kanila... Alam ko na ang mangyayari.

"Kumg hindi mo aayusin ang grades mo. Mapipilitan kaming ipadala yan sa mga-"

"Bakit? May problema ba sa grades ko?" Nakangiting sagot ko sa kanila.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon