Chapter seven: Alliance?

4.6K 91 0
                                    

Nandito ako ngayon sa hallway at dahandahang nag lalakad lamang ang peg ko. Dahil sa natamo kong sugat kahapon. May umakbay sa akin bigla. Napangiwi ako nung humapdi yung sugat ko.

“Cyra. Masakit.” Sabi ko kay Cyra.

“Bakit kasi inagaw mo kay Black yung baril. Eh mas expert pa nga syang humawak ng baril kesa sayo.” Cyra na nakangisi. I hate you! Mas magaling kaya ako dun! Mas magaling ako!

Hindi ko na lang sya sinagot kasi hindi ko din alam kung bakit ko nga ba ginawa yun. Parang kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kanya eh. Aba! Malay ko ba dun!

Dahil nga kasama ko si Cyra ngayon. Ay may naisip din akong sabihin sa kanya.

“Hoy/Ui.” Nag kasabay pa kami ng tawag sa isa’t isa.

“Sige ako na mauna.” Sabi nya. Bastos! Kala ko pa naman ako ang papaunahin!

“Sasabihin ko lang na nasa delikado ngayong ang buhay mo. Bilang si Janella.” Sabi nya.

“Yeah. I know.” Sagot ko naman.

“Total. Matagal ko na din naman gustong patayin si White. Tutulungan na lang kita.”

“I’ll protect you and you’ll protect me.” Sabi nya sabay iwas ng tingin.

“Vice versa.” Maikling sagot ko. Patango tango pa ako nun.

“Okay.” Sabi ko sabay ngiti.

“Pero dapat ituturing muna nating kaibigan ang isa’t isa. Kalimutan muna nating mag kalaban nga tayo. Pero pag katapos ng lahat ng ito at natalo na natin ang kalaban....”

“Balik tayo sa dati.” Sabi nya.

“Deal.”

Pag katapos nung sinabi ko. Tumingin sya sa akin. At ginawa nya ang hindi ko inaasahan. Ngumiti sya. Ngumiti si Cyra Alvares.

>>>

Nag laakad ako ngayon papuntang Budega. Syempre nakabihis ako bilang Phantom. I wear my mask too. Naglalakad lang ako kasi wala nang gas ang aking pinakamamahal na kotse.

Habang naglalakad, ay pahikab hikab pa ako. Halatang tinatamad sa katangahang ginagawa ko. Well, wala naman akong choice! Hindi pa nga ako nakukuha sa part time ko eh! So masisisi nyo ba ako kung nag titipid na talaga ako ngayon?!

Saktong papahikab na ulit ako nung may humarang sa akin. Ang dalawang babaerong Phantoms.

“Hey.” Si Gray.

Pasugod na sana ako nung pinigilan ako nung dalawa.

“Easy. Hindi ka namin hinarang dahil gusto namin ng gulo.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Blue. Pero maya maya lang ay humagalpak ako ng tawa.

“Sorry. Hindi ako nakikipag make-out kung kanikanino.” Sabi ko habang pinipigilan ang tawa.

“Hindi naman yun eh.” Inis na sabi ni Blue.

“We’re here, coz we want to help you.” Sabi naman ni Gray. Na ngayon ay kalmang kalmado. Kung titignan mas madaling mainis si Blue kesa kay Gray.

“What king of help?” Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

“Sa tingin namin ikaw ang unang target ni White. At gusto ka lang naming tulungan dahil sa isang ta....”

“Sa isang dahilan. Tinulungan mo kaming mabuhay dati kaya tutulungan ka din naming mabuhay.” Pagputol ni Blue sa sinasabi ni Gray kanina. Nakataas lang ang kilay ko at nag crossed arms ako.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon