Ang galing! Hindi na ako mabobored mamaya! May concert daw! May concert daw ang sikat na banda dito sa school namin.
Sila ang sikat na Meteor Band. Kinuha nila ang pangalan ng band nila sa name ng school namin. Ang Meteor University. Nakabili na ako ng tickets. Yeah. 2 tickets ang binili ko. Ewan ko nga kung bakit eh. Basta ang alam ko. Dalawa ang kelangan kong bilhin.
Ngayon ay nag lalakad ako sa hallway ng nakangiti. Sobrang saya ko kasi hindi na ako mabobored mamaya.
Napatigil ako at napatitig sa mga tickets na dala ko.
“Dadaan ako.” Sabi nung lalaki sa likoran ko. Pag tingin ko si sikat na basketball player pala.
Napatingin naman ako sa kabilang side ng hallway. May space naman dun at kasya sya.
“Gusto ko dito sa gilid nato ako dadaan.” Sabi nya ulit at tinuro pa yung sahig.
So, pumunta ako sa gitna ng hallway at tinitigan ko ulit yung tickets na may ngiti sa labi.
“Idol mo sila?” Sabi ni kuya. Na hindi pa pala umaalis.
“Hindi.” Sabi ko. Sabay ngiti.
“Bakit dalawa yang hawak mo? May kasama ka mamaya?” Tanong nya.
“Wala. Eh kasi yung isang ticket... Uhm siguro remembrance ko na lang.” Sabi ko. Teka bakit ba ako kinakausap nito?
“Akin na lang.” Sabi nya sabay kuha nung isang ticket at lumakad ng mabilis palayo sa akin.
WEIRD!
Pababa na ako nung matanaw ko ang SC Vice President na papunta sa... Akin?
Tumigil sya sa harap ko. Hala! Teka may nagawa ba akong violation sa rules?! Wala naman ah!
Pero nagulat ako nung nginitian lang nya ako at tumalikod na ulit.
“Kala ko may nagawa akong violation eh.” Sabi ko, more on bulong ko. Pero narinig ata nya at tumingin sya sa akin at ngumiti ulit at umalis na sya.
WEIRD!
>>>
Ngayon ay nandito na ako sa concert at naiirita na ako dahil wala pa yung Meteor Band. Pero sigawan ng sigawan ang mga babaeng malalandi na para bang nakita na nila yung mga idol nila eh wala pa naman. Napatigil sila sa pag sigaw nung mamatay ang ilaw at may bumukas na spotlight sa gitna ng stage. At nandun na ang Meteor Band.
Sumigaw ulit ang lahat. At this time nakisama na ako. Sigawan lang kami ng sigawan habang nag peperform ang banda. Nandito din ang dalawang lalaki na nakita ko sa classroom nung isang araw. At alam ko na ang name nilang dalawa. Sila si King Benavente at si Jaren Vargas.
Napatigil ako sa pag sigaw nung may pumutok na baril at tinamaan ang taga drum ng banda nila. Lahat ay nag sisigawan na. Pero this time ay dahil sa takot. Syempre dahil hindi pa ako Phantom mode ngayon ay nakisigaw na lang ako dahil mamaya ay baka pag hinalaan pa na ako ang bumaril dyan.
May dumating na pulis at ambulance. Tumakbo na ako palabas at nakikipag unahan sa mga ibang tao palabas ng concert hall. Tuwang tuwa pa ako kasi first time ko tong gawin. Pinag tutulak ko pa ang mga studyanteng nakaharang sa dinadaanan ko. Muntik pa akong matawa nung may masubsob dahil sa pag tulak ko. Pero syempre nag kunwari akong nag papanik. Tinapakan ko nga yung paa nung isang lalaking nasa likod ko at tinutulak ako palabas.
Hanggang sa madapa na din ako nung may tumulak talaga sa akin ng malakas. Hindi ko na nakita kung sino yon. Gaganti sana ako kaso nakatakbo na sya ng mabilis.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Phantom (Completed)
FanfictionA story of a girl that fill of mystery and tragic. Pano nya tatakasan ang mga ito? Kung ang trahedya mismo ang sumusunod sa kanya. Pero mali, hindi nya sinubukang takasan ang mga ito, bagkus hinarap nya ito ng walang takot. Janella Mae Smith the gir...