Chapter thirteen: Stay Away

3.1K 78 0
                                    

JANELLA POV

Bwiset.

Wrong timing talaga. So. Si Seb pala ang nagiisang anak ng Damn Lord. What a nice scene... Mukhang alam ko na ang mangyayari sa huli.

Sa huli... Malalaman kong bumaluk lang dito si Seb dahil pinapunta sya ng kanyang ama para patayin ako. Dahil nga bestfriend ko sya hindi ko sya masasaktan. Kaya ang mangyayari mapapatay nya ako. What a nice tragic story...

Ngayon. Ang gagawin ko lang ay Go with the Flow sa mga nangyayari.

Hindi ako mahilig sa mga ganyan. Mas hilig ko ang action stories. Yung mga patayan.

Tragic is for a weak person. Gumagawa sila ng story na magpapaiyak sa tao. Gumagawa sila ng story na magpapahirap ng sobra sa bidang character sa isang istorya. Eh anong magagawa ko? Gusto nila yun eh...

"Hoy. Anong iniisip mo dyan?" Si Seb. Kanina pa kami dito sa classroom. At niisa sa mga classmate ko ay ayaw lumapit sa amin.

"Wala." Sabi ko sa kanya.

Boring na boring na talaga ako. Hindi din ako makapunta sa tambayan dahil dito sa lalaking to. Minsan hindi ko alam kung anong meron sa kanya dahil palagi nyang tinititigan si Jon. Minsan si Erik. Minsan nga naiisip kong magsusuntukan sila eh. Pero pag nakikita nila akong nakatingin sa kanila. Mag iiwas sila ng tingin...

Teka ganun na ba ang epekto ko sa kanila? Kilala nila ako sa pagiging bubbly pag si Janella. At kilala din naman nila ako na seryoso bilang Red Phantom... Anong nakakatakot dun?

Haha. Nagtanong pa ako...

Sabagay. Kung normal na tao din naman ako. Paniguradong matatakot din ako sa mga Phantoms.

Pero hindi eh. Nakatadhana na talagang maging ganto ako. Bakit pa ako magrereklamo...

Napatigil ako sa pagiisip ng may narinig akong nabasag na kung ano. Kasunod nun ang pagsigaw ng mga tao.

Pagtingin ko. Si Seb nakikipaglaban....

Kay White...

Pakshet! Agad akong lumapit sa kanila. At yung sanang kamao na dadampi sa mukha ng kaibigan ko ay sinalo ko ng kanang kamay.

Madaming lumayong studyante sa pwesto namin. Si Seb naman. Aamba din ng suntok pero itinulak ko sya papalayo sa amin.

Agad kong kinuha ang kutsilyo na nakatago sa may boots ko. At itinutok sa kanya...

Lumayo ako ng bahagya at ngumiti sa kanya. Alam kong nainis sya sa ginawa ko dahil naiyukom nya ang palad nya.

Iwinagayway ko pa ang kutsilyo sa hangin na para bang nagdodrawing ako ng kung ano.

Lalo syang nainis sa ginawa ko kaya sinugod nya ako. Pero bago pa sya makasugod ay humarang si Seb. Muntikan na syang masaksak ni White kung hindi ko pa sya hinila. Dahil sa pag hila ko sa kanya. Ako naman ang nasaksak ng pesteng nilalang nato.

Nag smirk sya sabay higit nung kutsilyo mula sa katawan ko. Nag gasp ang mga tao. Kaya tinignan ko sila ng masama. Agad din naman silang naglayuan.

Napangiwi ako sa sakit. Itinulak ko si Seb ng malakas para tuluyan na syang umalis. Ngunit ang tigas ng ulo nya. Hinawakan nya ang kamay ko kaya napasama ako sa kanya.

Susundan pa sana kami ni White kaso napatigil sya ng may balang mutik ng tumama sa kanya. Mabilis ata ang reflexes nitong mokong at nakaiwas agad sya.

Tsk.

Tumigil kami ni Seb ng malapit na kami sa bahay. Hinigit ko sa kanya ang kamay ko.

"Hindi nakakatuwa ang ginawa mo." Saad nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. At naglakad na ako papunta aa bahay.

Nang makapasok kami sa bahay. Ay kumuka agad ako ng gatas sa loob ng ref. Napahawak din ako sa sugat ko. At sa pangalawang pagkakataon. Napangiwi ako.

"Imbes na lumayo ka sa kapahamakan. Lalo ka pang lumapit." Sabi nya tapos umupo na sya sa tapat ko.

Napatingin ako sa kanya.

"You know what Seb?"

"Wag kang mag assume na ang Janella na killa mo dati ay ang Janella na nasa harap mo ngayon."

Sabi ko sa kanya sabay bagsak ng baso na wala ng laman sa mesa.

"Im sorry." Sarkastikong saad nya.

"You should." Sabi ko at hahakbang na sana ako papunta aa hagdanan ng magsalita ulit sya.

"Para naman akong perwisyo sayo dito." Sabi nya ng matigas.

"Good. That you know." Sabi ko ng walang emosyong ipinapakita.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Parang nagpapakiramdaman kami kung ano ang gagawin namin.

Nang bigla syang tumayo at sinuntok ako. Agad naman akong nakaiwas at ibinato ko sa kanya ang lamp shade na malapit sa akin. Nakaiwas sya kaya tumama lang sa pader ang lampshade ko. Nung tinignan nya yung lampshade agad ko syang sinuntok. Dumugo yung bibig nya na agad nyang pinunasan.

Nagsmirk pa sya saka nya hinawakan ang kamay ko at tinwist iyon kaya bumagsak ako sa sahig. Pumatong sya sa akin. Pero agad ko syang sinipa palayo. Nung matumba sya dumapa ako para sana makatayo kaso hinila nya ang paa ko kaya napasubsob ulit ako sa sahig. Sinipa ko sya sa mukha kaya nabitawan nya ang paa ko.

Agad akong tumayo at kinuha ang baril sa drawer ko. Itinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko.

Seryoso syang tumayo. Walang bakas ng takot muka sa mukha nya. Tila alam na nya ang gagawin ko.

Ibinaba ko ang baril ko. Saka tumungo.

"Stay away from me. Kahit na anong gawin natin. Pinaglalayo tayo ng tadhana. Mas mabuti pang lumayo na tayo sa isa't isa bago pa tayo magkasakitan."

Alam kong nakatingin lang sya sa akin. Pero bago pa sya makapagsalita. Tinignan ko na sya. Ng seryoso.

"Stay. Away. Seb." Saka ko sya iniwan. Umakyat ako ng hagdan pero ang pagkahawak ko sa baril ay sobrang higpit. At hindi ko alam kung bakit....

Nilock ko ang pinto ng kwarto pagkapasok ko dito. Ipinatong ko ang baril sa study table ko. Umupo ako sa kama ko. At yumuko...

Pangalawang beses ng mawawala sa buhay ko si Seb. Ang Best friend ko...

"Staw Away from me" Ay ang tanging sinabi ko sa tana ng buhay ko na pagsisisihan ko ng todo.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon