Chapter twenty one: Which one?

2.9K 67 1
                                    

ThirdPerson Pov

"Janella!"

"Bakit?!"

"Laro tayo mamaya ah!"

"Oo!"

"Iloveyou!"

"Iloveyou too Jon!"

Dalawang bata ang nagsisigawan. Isang batang babae na nasa balcony ng secondfloor ng bahay nila. At isang batang lalaki na nakabike para lang makita ang kanyang kaibigan.

Masaya silang nagsigawan na para bang sila lang ang tao sa mundo.

Umalis na ang batang lalaki habang ang batang babae naman ay kaway lang ng kaway sa kaibigan kahit hindi naman sya nakikita nito.

Habang nag lalaro sila sa may parke ay nagulat na lang ang isang babae ng may lalaking nakaitim ang nakatingin sa kanila.

Matanda na ito at tila nakakatakot ang itsura. Yung parang masungit.

Napakapit ang batang babae sa kasama nyang bata din.

"Bakit?"

Hindi umimik ang batang babae at lalo lang napahigpit ang pagkakakapit nya sa kaibigan.

"Janella?"

Ngumiti ang batang lalaki sa kaibigan nya ng mapagtanto nitong natatakot lang ang kaibigan dahil sa matanda.

"Okay lang yan."

Umiling ang babae.

"He... The man... S-sya yung ka-kaaway ng papa ko sa business."

Nagulat ang batang lalaki sa turan ng kaibigan. Hindi nya akalalin na sa murang edad ay alam na nya ang ganung bagay.

Nakatingin sa kanila yung matanda at para bang may balak itong masama.

Hinila ng batang lalaki ang kaibigan palayo hanggang sa...

*Bang!

Napabalikwas si Janella. Mula sa panaginip or should I say sa bangungot na natamo nya.

Hirap na hirap syang huminga. Tila ba galing sya sa isang karera... Napahawak sya sa dibdib nya. 'Ang kirot...' Sa isip nito.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jon na may dalang tray ng mga pagkain.

"Ano to? Breakfast in bed?" Saad ni Janella nanpilit hindi iniinda ang sakit ng dibdib.

Hindi sumagot si Jon at nilagay na lang nya ang tray sa may lamesang malapit sa hinihigaan ni Janella.

"Bilisan mo. At may gagawin pa tayo." Saad ni Jon saka ito tuluyang lumabas.

Hindi naman sya pinansin ni Janella at iniisip ang bangungot nya kanina.

'Saan? Kailan?' Tanong nito sa sarili.

Hindi nya maalala na nangyari iyon. Pero alam nyang nakita na nya ang matandang iyon, hindi lang nya maalala kung saan. Ngunit, sa pag kakatanda nya. Hindi nangyari sa tana ng buhay nya ang nangyari sa bangungot nito.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok ulit si Jon.

"Oh." Paghagis ni Jon ng isang box.

'Damit na naman?' Sa isip isip ni Janella.

"Tignan mo muna. Bago ka mag react."

"Teka. I can't remember that I had reacted."

Tinuro ni Jon ang sintido ng noo nya. Kaya napairap na lang si Janella.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon