Janella Pov
Lumabas din ako sa wakas... Sa hotel na iyon. Nakakadiri kasi, may ipis. Kaya ayun nag check out na ako.
Pinuntahan ko ang bagong bahay na ipinagawa ko. Three storey sya... Hawak ko din ang box na bigay sakin ni Jon, na dahilan ng aking pagtakas.
Humakbang ako papunta sa sala at naupo. Tinitigan ko muna ang box...
Ilang araw na bang nasa akin to? Pero ngayon ko lang ata bubuksan... Ulit.
Unti unti kong tinanggal yung takip at tumambad agad sa akin yung bracelet at kwintas ng mga magulang ko...
Pero pagkatapos nun, yung malaking bulak na pinaglalagyan nila ay napagtripan kong tanggalin.
Laking gulat ko na lang ng may mga files itong nakalagay...
Binuksan ko ito at pangalan ng isang babae ang tumambad sa akin.
Ariel Melany Panerio... 1st college din (Dapat) pero dahil sa isang accident natigil sya sa pag aaral para sa pag papagaling. She even lost her memories...
Napakunot na lamang ang noo ko... Kainis naman, bakit parang kulang yung information? Mag bibigay na na nga lang sya, kulang pa.
Wala dito yung biological parents, kung saan sya nakatira, saan nag aaral... Diba? Yung mga importanteng info hindi nya nilagay dito.
Panerio pa man din yung apelyido. Mamaya, kamaganak din sya ni Seb.
Napatayo na lang ako ng maalala kong iniwan ko nga pala ang kahong ito sa kwarto nila Jon.
Kainis! Bakit ngayon ko lang to naalala?! Hay naku... Ano bang nangyayari sa akin?
Napukpok ko ang sarili kong ulo dahil sa isang bagay na pagkakamali.
Kung hindi importanteng bagay ang isang to. Malamang hindi nya na ipinasunod sakin ang box na to.
Ibig sabihin yung babaeng nasa files ay importante...
Agad akong tumungo sa laptop ko at nag search. Ngunit kahit anong gawin ko ay ganun parin ang lumalabas katulad ng nasa files.
Nabored ako at tumayo na lang. Dumeretsyo ako sa sasakyan ko at pinaharurot ito.
Pagdating ko sa hotel ng Tito ko ay agad akong pumunta sa office nya.
As usual nakaupo sya at nagkakape.
"Napadalaw ka, Janella." Hindi iyon tanong kundi isang statement.
Tumingin lang ako sa kanya. Naninibago ako... Parang may iba sa kanya.
Tumayo sya at nagsimulang maglakad patungo sa terrace. Dahan dahan akong sumunod sa kanya.
Pagtingin ko sa lamesa. Nakakita ako ng isang folder na may print name na Ariel Panerio.
"Janella." Napalingon ulit ako ng tawagin ako ni Tito.
Agad akong sumunod sa kanya.
Inabutan lang nya ako ng kape pagkadating ko duon.
Tahimik lang kaming umiinom ng kape. Pero, mas prefer ko sana kung isang alak o wine ang iniabot nya sakin.
"You better watch your move, Janella. Madami ng nagbabantay sayo."
Napalingon na lang ako sa kanya. At unti inti na syang lumabas mula sa terrace.
Nanatili pa ako ng ilang minuto sa terrace at ng maubos ko ang kape ay pumasok na ako sa loob ng office ni Tito.
Nagulat ako kasi wala sya duon. Pero nakakalat ang mga files sa lamesa nya.
Isa lang ang pumasok sa isip ko at yun ay kunin ang files ni Ariel Panerio.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Phantom (Completed)
FanfictionA story of a girl that fill of mystery and tragic. Pano nya tatakasan ang mga ito? Kung ang trahedya mismo ang sumusunod sa kanya. Pero mali, hindi nya sinubukang takasan ang mga ito, bagkus hinarap nya ito ng walang takot. Janella Mae Smith the gir...