Gaya nga ng sinabi ko kanina. Hintay kong mag 5. At nung mag 5 na ay dumaretsyo na ako sa banyo at naligo, nag toothbrush, nag bihis, nag suklay. Nung lumabas naman ako ng banyo ay inayos ko na yung gamit ko at lumabas na ako ng kwarto. Sa school na lang ako kakain. Para hindi ako malate ngayon. At ayaw ko ng makasabay ang dalawang kuya na nakasabay ko kahapon.
Nung makasakay na ako ng bus ay tumabi ako sa isang ale. Hindi ko na pinili yung bakanteng upuan malapit sa bintana kasi baka may tumabi nanaman sa akin duon. Nung umandar na yung bus ay laking relief ako nung wala ni isa sa dalawang kuya yung sumakay sa bus.
Hanggang sa makapasok ako ng school ay hindi ko sila nakita. Siguro ay may practice ng basketball at may meeting ang student council ngayon.
Hanggang sa mag uwian ay hindi ko parin sila nakita. Nu bayan! Bakit ko ba sila hinahanap? Makapunta na nga lang sa tambayan. I’m sure masaya duon.
>>>
Nag bihis ako ng maiksing short na kulay pula at sando na kulay puti. Nag suot din ako ng coat na kulay red. High heels na pula din ang suot ko ngayon.
Pag tingin ko sa salamin. Napangiti na lang ako. This is the real me. Hindi ako pang karaniwang college student na handang mag pasa ng project nya sa terror prof. Ako si Janella Mae Smith. Na mas kilalang The Red Rose Phantom sa gangster world.
Sinuot ko na ang mascara ko. Na nagtatago ng identity ko. Kung ano ang itsura ng mascara? Well. Para syang... Ewan! Basta! Parang yung mata lang ang tinatakpan, hindi yung buong mukha. Parang yung mascara ni hawk girl sa justice league? Haha! Syempre mas maganda yung akin. Kulay red at may kung anong design pa.
This time mag kokotse ako papunta sa tambayan ng mga gangster na katulad ko. Syempre ayaw kong mapahiya nho! Lalo na sa mga kapwa kong phantom.
Yes. Mga phantom. Dahil marami kami. Seven kaming lahat. At yung iba ay pang karaniwang ganster na lang. Iba kasi kami. Mas malakas kami compare sa ibang ganster. I mean mas malakas talaga kami. We can kill anyone, if we want. Kaya kami nabansagang The Phantoms.
And I’am The Red Rose Phantom. Malalaman nyo kung bakit yun ang tawag sa akin.
Pag kaparada ko sa labas ng builduin, more on parang budega sya. Syempre hindi sya basta-basta bodega lang. Budega na napaka ganda! Yun ang masasabi ko.
Pag pasok ko. Puro gangster na nagsasayaw at mga umiinom ang tumambad sa akin. Umupo ako sa pwesto ko na malapit lang sa counter. Tinawag ko din ang bartender at humingi sa kanya ng isang wine.
Painom na sana ako nung may narinig akong nabasag na bote hindi kalayuan sa pwesto ko. Psh! May nag aaway nanaman. Subukan lang nilang matabig ang pwesto ko at mamatay silang lahat.
Nanunuod lang ako sa away nila ng may mahagip nanaman ang mga mata ko. Si Violet na nakikipag sayaw sa isang hindi ko kilalang gangster. Sya ang The Violet Phantom. Masyado syang wild. At mahilig syang makipag sayaw kung kanikanino, kahit hindi nya kilala. Well, maliban sa mga phantoms. Hindi pa nya nakakasayaw kahit isa sa mga lalaking phantoms.
Pinapanuod ko lang syang mag sayaw nung mag sumagi sa lamesa ko. Napatigil ang lahat. Pati music. Napatigil din ang mga nag aaway. At parang mga takot na nakatingin sa akin. Inayos ko yung lamesa ko at nilapitan ang lalaking nakasanggi ng lamesa ko. Kinuha ko din ang kutsilyong hawak-hawak nya. May bahid na ng dugo ng tignan ko ito. Tinignan ko yung kaaway nya at may saksak na sya sa tagiliran. Napatingin ulit ako sa lalaking nakasanggi sa lamesa ko. Psh! Mukhang takot na takot sya.
Binitawan ko na lang yung kutsilyo at nilapit ko ang bibig ko sa tenga nya at may binulong. Ramdam ko ang panginginig nya. Haha! I like it, when somebody scared. Totally because of me. Bumalik na yung music nung tinulak ko sya papalayo sa akin.
Paupo na sana ako nung nakarinig nanaman ako ng pag kabasag ng bote. Nung tinignan ko kung sino yun. Nagulat ako kasi si Pink ang nakikipag away. Napangiti na lang ako at umupo.
Si Pink o ang tinatawag na The Pink Phantom ay hindi palaaway na gangster. Mas gugustuhin nyang manahimik sa sulok at ayusin ang mga kuko nya. Kaya nga ngayon ay enjoy na enjoy ako dahil nakikipag laban sya.
Sa isang sulok naman ay nakita ko si Gray. The Gray Phantom. Parehas sila ni Blue. The Blue Phantom. Parehas silang happy-go-luck lang. May pagka-chick boy din silang parehas. Casanova for another word. Hindi naman sila kambal at hindi ko lang alam kung close sila pero parehas talaga sila ng ugali.
Sa kabilang gilid naman hindi kalayuan sa pwesto ko. Nakita ko ang The White Phantom at may hawak syang wine. Nanunuod lang din sya katulad ko. Hindi din sya palaaway at ginagamit ang utak nya bago gumawa ng desisyon. Yun ang rason kung bakit walang nakakatalo sa kanya. Matalino kasi sya.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking naka full black. Sya si Black Phantom. Tahimik lang sya madalas, pero pag ginalit mo ay makakakita ka ng demonyo.
Umupo sya sa pwesto nya malayo sa akin. At uminom ng paborito nyang white wine. Ewan ko kung bakit white wine ang paborito nyan. Wala akong paki.
Tinawag kaming Phantom dahil sa hindi kami basta basta pumapatay ng walang dahilan. Nag bibigay muna sila ng card bago nila patayin ang biktima nila. Well, maliban sa akin. Dahil red rose ang binibigay ko bago ko patayin ang biktima ko.
Napatingin tuloy ako sa lalaking nakabangga ng mesa ko. At nakatingin din sya sa akin. Nag smirk ako nung umiwas sya ng tingin. Siguro binabantayan nya ang kilos ko, at kung bibigyan ko ba sya ng death signature ko.
Natatawa ako sa mga matatakuting tao. Pumasok sa mundo ng gangster tapos takot din naman palang mamatay.
Napatingin ako sa kabilang pwesto kung saan nakapwesto si Black. Nakatayo na sya ngayon at kinikwelyohan si Blue. Basa din ata yung damit nya. Siguro natapunan sya ni Blue ng wine.
Pero expected ko na hindi sya susuntukin ni Black. Tinulak ni Black si Blue palayo sa kanya. At umupo na.
I wonder kung hanggang saan ang pasensya mo Black?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nag simula ng maglakad papunta kay Black. Pero bago pa ako makalapit sa kanya ay may humigit na lalaki sa akin papunta sa dance floor.
Nag simula na sya sumayaw. Ako naman ay naka steady lang at napa cross arms. Tinaas ko ang isang kamay ko para patigilin ang music. At tumigil nga. Napatigil lahat ng nag sasayaw pati si Violet.
“Ang lambot ng katawan mo. Pwede ka ng maging uod.” Sabi ko sa lalaking kaharap ko. Nag tawanan naman ang iba.
Alam kong napahiya sya kasi hinawakan nya ang isang braso ko. Tinignan ko sya pero nag smirk lang sya. Hinawakan din nya ang bewang ko gamit ang isa kong kamay. At nilapit nya ako patungo sa kanya. Unti unti na nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Pero bago pa man mag lapit ang mga labi namin ay pinigilan ko na gamit ang pag lagay ng hintuturo ko sa noo nya. Dahan dahan kong nilayo ang mukha nya sa mukha ko.
At gamit ang isang kamay, may kinuha ako sa likod ko. Isang red rose. Napa smirk na lang ako nung unti unti nya akong binitawan at umatras sya. Pero hinila ko ang kwelyo nya.
“Saan ka pupunta? Tatakas ka ba?” Sabi ko.
Ramdam kong nanginginig sya sa takot. Takot na baka ibigay ko sa kanya ito rosas na hawak ko ngayon.
Napatingin ako sa rosas na hawak ko. At tumingin sa paligid. Lahat sila inaabangan ang gagawin ko. Pati ang phantoms.
Ngumiti ako sa lalaki at itinapon ang rosas sa ewan ko kung saan. Tapos tinulak ko sya papalayo sa akin.
“Be aware.” Sabi ko ng may pag babanta sa boses ko.
Bumaba na ako sa dance floor at nag start na ulit ang music. Pumunta na ako sa pwesto ko at umupo. Nanuod lang ako sa mga pinag gagagawa ng mga Phantoms at ng iba pang gangster.
Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok kaya tumayo na ako at lumabas ng bodegang maganda.
Pumunta ako sa kotse ko at nag maneho. Hanggang sa makarating ako sa bahay. Whoo! Boring! Ngayon lang ako nakaranas ng sobrang kaboringan sa buong buhay ko. Sana mag iba naman ang ihip ng buhay bukas.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Phantom (Completed)
FanfictionA story of a girl that fill of mystery and tragic. Pano nya tatakasan ang mga ito? Kung ang trahedya mismo ang sumusunod sa kanya. Pero mali, hindi nya sinubukang takasan ang mga ito, bagkus hinarap nya ito ng walang takot. Janella Mae Smith the gir...