Chapter thirty two: Lets' end this

2.5K 51 1
                                    

Ariel Pov

Pinilit kong magsearch sa kung anong nangyayari sa paligid ko. Despise, sa gulong nangyayari dito, hindi ko mapigilan na macurious kung bakit ganito ang nangyari... Hindi ko nga maalala ang mga nakaraan ko.

Hindi na din ako masyadong kinakausap ni Seb. Siguro dahil sa pangiinis ko sa kanya.

Yung Janella naman. Na kamukha ko, hindi ko na din nakikita.

Ang alam ko, ang tatay ni Seb ay ang tatay ko din.

At iisa kami ng ina. Pero bakit ganun? Bakit may kamukha ako? Bakit, pinagawa sa akin ng sarili kong ama na patayin ang babaeng iyon.

Akala ko, normal lang ang lahat. Dahil ang ama ko mismo ang nagsasabi sa akin, akala ko, ang ama ang mga gumagabay sa anak nila patungo sa tamang way...

Pero mali ako.

Hindi... Hindi nya tinuro sa akin amg tamang way dahil hindi naman sya ang tunay ko ang ama.

Pagkatapos ng engkwentro ko sa lalaking nasa tamabayan ng gangster... Duon na ako naghinala.

Alam kong malakas ako... Pero ang sinabi ng lalaking iyon... Duon ako nagtaka.

Hinanap ko ang mga files ko bago ako maaksidente. Naghanap din ako ng info tungkol sa mga nangyari bago ako maaksidente.

Duon ko nabasa ang lahat ng kailangan ko. Yung ibang info, sa mga tauhan na ng Damn Lord ko nakuha... Yung iba, pinatay ko na at yung iba naman, nakatago sa isa sa mga budega nya.

Pinakialaman ko din ang mga gamit ko bago ako maaksidente. Habang naghahanap ako ng mga bagay na pwedeng makatulong sa pagpapabalik ng alaala ko... May mga nahulog na picture sa sahig.

Hindi ko agad iyon pinansin at binasa ko yung notebook na nakabalot ng itom na cover.

Wala namang laman iyon kundi puro sa lectures at whatsoever...

Agad akong yumuko at tinignan ko ang mga pictures na nahulog. Karamihan dito ay picture namin ni Seb.

Yung iba... Sa mga tunay na magulang ko pati na kay Janella. Bata pa sya dito at may kasama syang batang lalaki. I think, his name is Jon.

Inilapag ko ang mga picture na nakita ko na at ang hawak ko na lang ay dalawa.

Agad ko iyong tinignan at napaayos ako ng upo. Isang babae at isang lalaki na nakamaskara.

Nakangiti sila sa isa't isa... Though, may mga pasa yung babae, kitang kita parin sa ngiti nya ang kasiyahan.

Inilapag ko ulit iyon dahil wala naman akong matandaan na kung ano sa larawang iyon.

Pagtingin ko sa picture... Isang lalaki ang bumungad sa akin. Hindi ko sya maalala pero sa tingin ko nakita ko na sya dati.

Inilapag ko iyon pagkatapos ko syang titigan ng ilang segundo.

Umayos ulit ako ng upo at humanda na para sa pagalis ng mahulog ang notebook na tinignan ko kanina.

Hindi ko sana ito papansinin pero nalipat ang page nito sa gitna at may tumambad sa akin.

Christopher Santos...

Biglang sumakit ang ulo ko... Kung ano anong imahe ang pumapasok sa utak ko.

Parang isang bombang pinasabog sa utak ko ang lahat ng impormasyong hinahanap ko.

Nakakarinig ako ng iba't ibang tunog at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napahawak ako sa ulo ko at pilit na piniga ito, nagbabakasakaling mawala ang sakit.

Napaluhod na ako kasabay nun ang pag sigaw na hindi ko na kayang pigilan.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon