Chapter nine: Group date?

3.9K 101 0
                                    

Naboboring na ako dito sa pwesto ko. Naipasa na namin yung report at si Eric yung nag discuss sa lahat kung ano bang klase yung report na yun. Mukhang okay na din si Jaren. Pero mas madalas ko syang nakikitang nakatitig lang kay Eric. Siguro nag away sila. Si Ashley naman ay ganun parin. Mas madalas nga lang na binabati nya ako tuwing nagkikita kami sa hallway. Sa drupo naman ni Cyra. Hindi ko lang alam. Si Cyra kasi ang nag discuss ng report nila. Mukhang okay naman sya kung titignan. Si King naman ganun parin. Napakaseryoso katulad sya ni Jon. At yung bakla naman na kagrupo nila ay nakabusangot. Ewan ko na lang kung ano ang nangyari sa kanila sa samar.

"May laro daw mamaya." Rinig kong bulong nung kaklase ko sa kausap nya na kaklase ko din.

"Talaga? Anong oras?" Excited na tanong naman nung kausap nya.

"Mga 4. Eksaktong uwian na natin." Sabi naman nya.

"Great! Mag lalaro sya?" Sinong sya?

"Oo ata." Sabi naman nung babaeng nasa likod ko.

"Si number 8, maglalaro?" Sabi naman nung kaklase kong nasa kanan ko. Nasa kaliwa ko kasi si Cyra. Sino naman si Number 8?

"Janella..." Rinig kong tawag naman sa akin ni Ashley.

"Pwede mo ba akong panuorin mamaya?" Oo nga pala. Cheerleader to. Tumingin muna ako kay Cyra bago sumagot.

"Sure." Tapos ngumiti ako ng malawak.

Ngumiti din sya na parang excited at nagtatalon pa. Tinignan ko naman si Cyra at naka pokerface lang sya.

Nung matapos naman na yung klase ay agad kaming pumunta sa Gym kung saan daw magaganap ang laro. Sinaman ko na din si Cyra kasi boring kung mag isa ka lang na nanunuod. Wala kang mahahampas kung nakakashoot yung team na gusto mo. Hahaha!

Pumwesto na kami sa may gitna. Ayaw ko kasi sa harapan dahil baka tamaan ako ng bola. At ayaw naman ni Cyra sa likod dahil baka wala na kaming makita.

Habang naaupo lang ako ay nag sigawan ang mga babaeng malalandi?

"Oh My God! Naglaro sya!" Sigaw nung isa.

"OMG!"

"Kyaaaa!!" Sigaw a nung iba.

Bakit sino ba yun? Minsanan lang siguro maglaro yung taong tinutukoy nila kaya ganun.

"Number 8!" Sabi nung isa.

"Shoot!" Sigaw nung ibang babae nung nashoot ni... Jon yung bola. At ang nakalagay sa likod ng jersey nya ay '8'

Ah. So sya pala yung nmber 8 na sinasabi ng mga kaklase ko kanina. Hindi na ako nagtataka, dahil sikat naman talaga sya.

Natapos yung game nila at lamang ang team nila Jon Velasquez. Maya maya ay lumabas na ang mga cheerleaders at nag umpisa ng sumayaw dahil ng sa pagkapanalo nung team nila Jon.

Nung matapos naman na yung sayaw nila ay nag umpisa ng lumabas ang ibang tao. Kaya kami ni Cyra ay tumayo nadin at tumungo papunta sa pinto. Habang naglalakad kami ay may narinig nanaman akong bulungan.

"Wow lang talaga! Ngayon lang ulit sya nag laro since highschool." Sabi nung isa.

"Kaya nga! Grabe lang talaga! Ang galing parin nya!" Sabi naman nung kasama nya. Ata?

"Alam ko tinamad na sya maglaro after ng graduation natin." Sabi nung isa pa.

Hindi ko na ulit sila pinakinggang at kumaliwa na ako papunta sa gate. Sumunod naman sa akin si Cyra. Papalabas nadin sana kami sa gate nung may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Janella!" Pag tingin ko si Ashley pala. At pawisan sya.

"Bukas kita tayo sa mall huh." Sabi nya. At umalis na ulit.

The Red Rose Phantom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon