Stress.
Yan ang tamang word para sa akin. Pumanget na nga ata ako eh. Stress na stress na ako. Hindi naman ako naiistress ng ganito dati. Or should I say, hindi naman talaga ako naiistress dati.
Ang malaman na ama pala ng bestfriend ko ay ang taong gusto ding pumatay sa akin.
Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko na gusto ang mga nangyayari. Tila ba hindi umaayon sa plano ko ang lahat. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa lintek na White Phantom na iyon. Ngayon naman dumagdag pa si Seb...
Nakita kong naka-smirk nanaman ang taong yun. Ang taong gustong guto ko ng patayin ngayon palang.
Pero alam kong hindi pa dapat kami gumawa ng hakbang.
Kailangang mangyari ang sunod kong plano. At sigurado akong mangayayari yun.
Pag nangyari yun. Paniguradong dadanak ang dugo dito sa mundong ibabaw...
Napasmirk din ako sa harap nya... Iniisip ko pa lang, kung anong mangyayari, natutuwa na ako.
Isa na lang ang kailangan kong malaman. The Black Phantom...
Sino ka ba talaga?Papunta na sana ako sa canteenng makasalubong ko si Seb. Hindi ko sya pinansin at kumaliwa na lang ako para hindi kami magkasabay sa loob ng canteen...
Pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko na magkaharap si Seb at ang dalawang phantom na alam kong kayang pumatay ng walang alinlangan.
Ang Black Phantom. Pati na din ang White Phantom.
Agad akong pumunta sa tabi ni Seb. At hinigit ko sya para mapunta sya sa likod ko.
Itinutok ko sa dalawang lalaking to ang dalawang baril na kakahugot ko lamang sa likod ko.
Nag smirk si White. Samantalang seryoso parin ang pagmumukha ni Black.
Gustong gusto ko ng tanggalin yung mascara ng itim na to. Kung wala lang dito si Seb at yung puting to. Malamang nakagawa na ako ng paraan para matanggal ang mascara ni Black.
Shet. May head is aching... Sumasakit na naman yung ulo ko. Nasosobrahan na ata talaga ako sa pagiisip. Stress na stress na talaga ako...
Bigla akong tinakle ni Black kaya muntikan na akong matumba sa sahig. Pero nagulat ako nung hinawakan nya ang bewang ko kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Pagtingin ko sa kanila. Nakatutok ang baril ni Seb at ni Black kay White. Si White naman, dalawang baril ang hawak nya. At nakatutok ito sa bestfriend ko at kay Black.
Gusto ko din sana manutok ng baril kaso hindi ako makagalaw dahil sa pagkakahawak ni Black sa akin. Parang alam talaga nya kung saan hahawakan ang isang tao para hindi na ito makagalaw.
Nang mapansin ni White na hindi ako makagalaw ay bigla syang napatawa. Tinignan ko sya ng masama.
Sumasakit na talaga ang ulo ko. At lalo pang sumasakit ito dahil sa pwesto ko.
Napangiwi ako ng maramdaman kong parang pinipipi ang ulo ko. Napapikit na lang ako at pinipilit kong hindi dumaing lalo na ngayon at tatlong kalaban ang nasa harapan ko.
Shet.
Ginamit ko ang kaliwang paa ko. at itinakle ko ang kanang paa ni Black. Kaya parehas kaming natumba at bumagsak sa sahig. Agad kong itinutok kay White ang dalawang baril na hawak ko. At agad ko syang pinaputukan. Pero dahil sa sakit ng ulo ko ay hindi ko sya matamaan hanggang sa makatakas na sya.
Sunod ko namang tinutukan si Black pero pag tingin ko sa kanya ay wala na sya. Pati na si Seb.
Itinago ko na lang ang baril ko. Nung maglalakad na sana ako para umuwi ay napaluhod ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
Papikit pikit na din ang aking mata. Hanggang sa may maaninag akong lalaking papalapit sa akin.
Teka, si Jon to ah. Anong ginagawa nya dito?...
Nagulat ako nung binuhat nya ako. At yun na lamang ang tangi kong naaalala. Nawalan na ako ng malay.
Nang magising ako. Nagulat ako kasi hindi ko naman to kwarto. Ibang kwarto ito.
Inikot ko ang paningin ko at pilit na sinasariwa ang mga huli kong alaala. Pero napatigil ako nung bumukas yung pinto at pumasok si Jon.
"Gising ka na pala." Sabi nya ng seryoso. Napakaseryoso talaga ng lalaking ito.
Imbes na sagutin sya ay tumayo ako mula sa pag kakahiga pero agad din akong napaupo ngg maramdaman ko ang kirot sa aking ulo. What the heck is happening in my fucking head?
Napahawak ako sa gilid ng noo ko.
"Wag kang masyadong gumalaw." Sabi nya at may nilagay syang tray sa table malapit sa kama.
"And by the way, pinatingin na kita sa doctor. Ang sabi, wala ka namang problema. Masyado ka lang naistress, that's why you will suffer, headache for a few days."
Sabi nya. Teka, ngayon ko lang ata to narinig na mag salita ah.
"So, hindi ka pwedeng pumasok. That's all."
Sabi nya at naglakad na sya papuntang pintuan.
"Teka!"
Huminto naman sya.
"Pano ako makakauwi?"
Tumingin sya sa akin at nakasmirk sya.
"Mabuti at tinanong mo yan. Dito ka muna titira ng 3 days."
Mag rereklamo sana ako. Kaso nagmadali syang umalis sa kwarto. At narinig ko pang nilock nya mula sa labas yung pinto.
Shet...
BINABASA MO ANG
The Red Rose Phantom (Completed)
FanfictionA story of a girl that fill of mystery and tragic. Pano nya tatakasan ang mga ito? Kung ang trahedya mismo ang sumusunod sa kanya. Pero mali, hindi nya sinubukang takasan ang mga ito, bagkus hinarap nya ito ng walang takot. Janella Mae Smith the gir...