I'm tired.
Pagod na ako kakatakbo. Nandito ako ngayon sa isang village. Takbo lang ako ng takbo dito. Para akong nasa iisang maze. At minsan napupunta ako sa isang dead end.
Napatigil ako sa kakatakbo nung may taong nakatayo sa harap ko. Hindi. Mali. Hindi sya tao. Anino sya at sobrang itim nya.
Tumalikod ako para tumakbo sana kaso may anino nanamang nasa harap ko. This time sobrang puti naman nya. At nag liliwanag sya.
Nawala na din ang ibang daanan. Ang tanging daanan na nakikita ko ngayon ay ang kinatatayuan ng dalawang anino sa harap at sa likuran ko. Nag side ako para makita ko sila pareho.
Inabot sa akin ng itim na anino ang kamay nya. Na parang pinapapunta ako sa kanya. Ganun din ang ginawa ng puting anino.
Parang pinapapili nila ako kung kanino ako sasama sa kanila. Unfortunately. Yung mga paa ko ay parang nabuhay at gumalaw mag isa. Papunta ako ngayon sa aninong itim. Napalingon ako sa puting anino at may hawak na syang baril ngayon. Tumakbo ako papunta sa aninong itim at bago ko pa mahawakan ang kamay nya ay.....
*Bang!
Nabaril na ako nung puting anino. Pero nung mahawakan ko yung kamay ng itim na anino ay......
*Kring!
Napaupo ako at napatingin sa alarm clock na nakapatong sa study table ko. Napahawak din ako sa dibdib ko. Siguro nagulat ako kanina sa alarm. Pero siguro kinabahan din ako sa panaginip ko kanina. Ano kaya ibig sabihin nun? Ano yung mga anino kanina?
Imbis na mag isip ako ng kung ano ano ay tumayo na ako at pumunta sa banyo. Agad akong nag bihis ng uniform at nag brekfast nung matapos ako sa pagligo.
Nag lalakad lang ako palabas ng subdivision namin. At oo nga pala. Ako si Janella Mae Smith. 1st year in college. Wala na ang mga magulang ko. Sumakabilang buhay na sila. Kaya mag isa akong nakatira sa bahay namin. At hindi ako gumagamit ng kotse ngayon dahil nag titipid ako. Hindi pa kasi ako nakukuha sa mga part time job na pinasukan ko. Nagko-commute lang ako ngayon, para tipid sa gas.
Nag madali pa akong sumakay sa bus, dahil nag uunahan na ang mga tao. Pag kapasok ko sa loob ng bus. Psh! Malas! Wala ng bakanteng upuan. Buti na lang at dalawa kami ni kuya na nakatayo ngayon. Nakasalamin si kuya eh kaya hindi ko kita yung mukha nya. Pero may naaalala ako sa way ng pagtayo nya... Hindi kaya, sya si....
Muntikan naman ako masubsob nung biglang nag preno si manong driver. Buti na lang at nakahawak ako sa may upuan. Pumasok naman ang isa pang kuya na nakasalamin din kaya hindi ko kita ang mukha. Umandar na yung bus. Bale nasa pagitan ako ngayon ng dalawang kuya.
Nung makarating na sa school. Agad akong bumaba. Bumaba din yung dalawang kuya. Ibig sabihin dito din sila nag aaral.
Papasok na sana ako sa gate ng may nabunggo akong nerd. Maganda sya kaya lang natatakpan ng makapal nyang salamin ang mukha nya. I mean, kasi masyadong malaki yung salamin nya eh.
"Sorry." Sabi ng nerd sabay pulot nung mga nalaglag na gamit nya.
"Sorry." Sabi ko at tinulungan ko sya sa gamit nya. Napatingin sya sa akin. Teka may kaboses sya.
Pag katapos naming maayos ang gamit nya ay bigla syang tumakbo.
Hinayaan ko na lang sya at dumaretsyo na ako sa 1st subject ko. Buti nga at hindi ako late eh. Kaso 1 minute lang at dumating na yung prof.
Habang nag didiscuss yung teacher ay may biglang pumasok. Ang alam ko ay isa syang cheer leader.
"Sorry mam, I'm late." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Phantom (Completed)
FanfictionA story of a girl that fill of mystery and tragic. Pano nya tatakasan ang mga ito? Kung ang trahedya mismo ang sumusunod sa kanya. Pero mali, hindi nya sinubukang takasan ang mga ito, bagkus hinarap nya ito ng walang takot. Janella Mae Smith the gir...