IMTP 37.2

3.5K 105 8
                                    

Three times

Alea's POV

Wala sa katinuang naglalakad ako sa daang hindi ko mawari kung saan. Madilim na ang paligid at wala na rin ang ibang makita kung hindi mga puno. Sumasabay rin ang pagkulog at kidlat sa langit. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko.

*boogsh*

"Araaay..." Napahawak ako sa tuhod kong mukhang napuruhan dahil sa pagkabagsak ko. Hindi ko kasi napansin ang malaking kahoy na nakahiga sa harap ko.

Napaupo nalang ako sa hapdi na nararamdaman ko. Tumingin ako sa paligid. Madilim. Konting liwanag nalang ang meron galing sa langit.

Teka... ASAN AKO?!

Lumingalinga pa ulit ako. Ang huli kong naaalala ay hmm nag usap kami ng Gary, yung race nila Rain, away namin ni Pierre (kung away bang matatawag yun) at... parang may nakalimutan ako. Isip. Isip.

Hmm.

Ah! Yung aso!

Ang alam ko sinundan ko yun e. Tumingin ako sa gilid ko. Wala. Wala akong makitang ni isang balahibo niya. Titingin palang sana ako sa likod ng bigla nalang kumulog na malakas. May ngayon lang ako napagtanto. Para bang huminto ang paghinga ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Kasabay nito ang pagkaramdam ko ng takot. Madilim.

Napatakip ako ng tenga at napapikit ang mata. Nasaan na ba yung asong yun? Bakit naman niya ako iniwan dito?

Drama pa kasi Alea. Kung nagstay ka nalang sana sa kwarto. Hay.

Kung pwede lang ilabas ang kaluluwa ko naku kanina ko pa ginawa, sarap sapakin e.

Dahan dahan akong tumayo kahit na nanginginig ang tuhod ko at kumikirot.

Kailangan kong makaalis dito.

Nag umpisa akong maglakad. Ngayon pabalik na sa hula kong daang dinaanan ko kanina. Hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Iika ika pa ang lakad ko kaya naman ang hirap bilisan ang bawat hakbang ko.

Nakaramdam ako ng pagpatak ng tubig sa mukha ko. Napatingala ako. Mukhang uulan pa yata. At hindi pa nga ako nakakalayo ay bumuhos na ang ulan.

Gusto kong magmura. Kahit masakit pinilit ko paring tumakbo at humanap ng malaking punong pwedeng pagsilungan.

Kumulog ulit ng malakas at hindi ko napigilang mapaupo ulit sa tabi ng punong naabutan ko.

Bakit ba ang malas ko ngayong araw na to? Una, nalunod ako. Pangalawa, nag away kami ni Pierre. Pangatlo, nag away ulit kami ni Pierre. At pang lima, heto ako ngayon't walang kwentang nakaupo habang yakap ang tuhod na may sugat, mag isa sa kasagsagan ng matinding ulan at nawawala sa gitna ng out of nowhere na gubat.

Napakagat ako ng labi ko. Ramdam kong nag iinit ang dulo ng mga mata ko. Naiinis ako. Naiinis talaga ako sa kaengotan ko. Napayakap nalang ako sa tuhod ko at tumungo.

Ilang sandali pa may narinig akong kaluskos sa paligid. Dumoble pa lalo ang kabang naramdaman ko. Napahigpit pa lalo ang yakap ko sa tuhod ko. Paano nalang kung may magpakitang wild animals dito? Paano nalang kung may halimaw pala o mga lamang lupa na biglang lumitaw at gusto akong kunin? Oh my. Paano nalang si Pierre kung wala na ako? Paano ko pa masasabi sa kanya ang nararamdaman ko kung kikidnapin ako ng mga creatures at gagawin akong reyna ng mga engkantado? Baka mamaya ipakasal nila ako sa prinsipe nila! Aaah! Wala na ba akong chance para masabi kay Pierre lahat ng gusto kong malaman niya?

Mas lumalapit pa ang mga yabag ng paa. Hanggang sa bigla nalang akong walang narinig. Ang tanging naririnig ko nalang ay ang malakas na tibok ng puso kong bigla nalang huminto ng marinig ko ang boses niyang tumawag sa pangalan ko.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon