IMTP 23

3.4K 73 2
                                    

Double run

Alea's POV

Hindi ko maintindihan yung sinulat ni Clou. Hindi dahil sa pangit ang penmanship niya kundi dahil sa mismong nakasulat dun sa papel.

Run for your life. Run for your love.

Sa hinaba haba ng oras na ginugol niya dun sa papel at ballpen na hawak niya, yun lang ang tanging sinulat niya. Hay. Dafu. Ano yun? Itatanan ko si Pierre?

Hmm. Not a bad idea. Haha.

Kaso baka imbes na tanan ang mangyari baka sabihing kidnap pa yun. Hindi naman mutual yung feelings niyo.

Kahit kelan talaga epal tong utak ko. Tsk.

Isa pang mali sa sulat. Bakit run for you love?

Napailing nalang ako. Like palang, Clou. Like lang.

Hay. Hindi panggulo ng utak ang kailangan ko ngayon. Dapat ang nasa isip ko lang ay paraan kung papaano ako mapapalapit sa kanya. Kailangang ako ang mauna kila Cleopatra and friends.

Time check. 5:30A.M.

Ang aga no? Sabi kasi ni Mars every Saturday daw naggogolf si Pierre ng maaga. Kaya naman ngayon nandito na ako sa harap ng pintuan niya, hinihintay siyang lumabas. Hindi niya ako niyaya, sasama lang talaga ako. Hihi. As usual, nakatshirt at pants lang ako.

Kakatok palang sana ako ng bigla nalang bumukas yung pinto.

"Good morning!" Bati ko ng nakangiti sa lalaking gustong gusto ko na ngayon ay gulat na gulat na makita ako sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tsk. Hindi man lang naggood morning too. Napansin ko yung suot niya. Blue poloshirt and brown shorts at nakacap pa. Omigesh. Pogi. (*o*)

"Hindi mo naman sinabi naggogolf ka pala. Favorite ko pa naman yun."

"Paano mo nalamang--"

"Wag ka na magtanong. Sama ako." Puppy eyes pa ako.

Alangan namang sabihin kong, Tinanong ko kay Mars, para makasama kita. Err. Baka magfreak out siya. Haha.

"Ayoko. Saan mga gamit mo?"

"Tinatanong mo kung nasan mga gamit ko ibig sabihin ba nun payag ka ng sumama ako?" Lumaki yung ngiti ko. "Wala akong gamit e."

"Sino nagsabing pumayag ako?"

"Naku wag ka ng mahiya. Share na lang tayo ng gamit ha."

"Ano--"

Hindi ko na siya pinagsalita pa. Hinawakan ko yung kamay niya at hinatak ko na agad siya. Haha. Hindi naman siguro ako mukhang desperada no?

Wala ka ng kawala. Muwahaha.

Ano kayang next na gagawin ko?

Hindi ko hahayaang makuha nila Cleopatra and friends niya ang Pierre ko. Kahit na puro kahihiyan na tong ginagawa ko, sige okay lang. Ang mahalaga akin si Pierre. Muwahaha. Pero sana wag naman ng umabot pa sa point na kailangan ko pang ipakulam si Pierre o kaya bumili ng love potion sa Quiapo magustuhan lang niya ako. (-____-)

Sumakay kami sa kotseng ginamit namin nung namasyal kami.

"Pansin ko lang ha. Bakit wala kang mga bodyguards?" Hindi ko kasi to naitanong nung lumabas kami. Hmm. Nakakapagtaka lang. Prinsipe siya, dapat nakahilera palagi ang mga bodyguards sa tabi niya. Ganun naman talaga, diba?

Akala ko hindi na siya magsasalita. Ang tagal kasi bago siya sumagot. "Meron."

"Nasan sila?" Tumingin tingin ako sa paligid. "Wala naman ah."

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon