IMTP 17

3.9K 95 2
                                    

Thank you

Alea's POV

Patakbo na ako ngayon papunta sa kwarto ko. Habang tumatakbo ako, unti unting nagflaflashback sa utak ko lahat ng nangyari sa loob ng kwarto ni Pierre.

(>////<)

Buti nalang walang tao at malapit lang yung kwarto ko kung hindi baka pagkamalan pa nila akong nakakain ng siling labuyo sa sobrang pula ng mukha ko.

Pagkapasok ko, sinara at nilock ko agad yung pinto sabay sumandal dun.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hingang malalim Alea. Breathe.

Hindi pa rin bumabalik sa normal na beating yung puso ko. Grabe lang. Para akong aatakihin.

Nang hindi ko na talaga napigilan, sumalampak ako sa kama ko, kinuha ang unan at doon nagtititili.

Inilabas ko lahat ng tili ko hanggang mawalan na ako ng hininga. Haha. Kahit anong gawin ko hindi pa rin naaalis yung mga ngiti sa labi ko.

Hindi ko inaasahan yung mga bagay na nangyari. Sadyang napakaepic nga pero SOBRANG nakakakilig naman! WAAAA! Nagtititili ulit ako sa unan ko.

Ganito pala ang feeling kapag may gusto ka. Ang gaan sa pakiramdam. Halo halong saya, nerbyos, excitement at kung anu ano pa. Hayyy. Sana hindi na matapos tong araw na to.

*knock knock*

"Sandali lang po." Tumayo agad ako at pinagbuksan yung pinto ko.

"Magandang umaga Alea." Nakangiting bati sa akin ni Aling Martha na may dalang tray ng pagkain.

Nginitian ko naman siya. "Ganun din po sa inyo."

"Mabuti naman at nandito ka na pinaghanda kita ng pagkain. Alam ko kasing hindi ka nakapaghapunan pati na rin umagahan." Sabay lahad niya sa akin.

"Salamat po." Kinuha ko yung tray na hawak niya. "Anong oras na po ba?"

"10 na ng umaga."

"Hala. Malapit ng magtanghalian wala pa kong naihahandang pagkain ni Pierre." Binaba ko yung tray na hawak ko sa may lamesa malapit sa kama at tumakbo na papuntang bathroom para maligo.

Bago pa ako makapasok nagsalita si Aling Martha. "Magpahinga ka na muna Alea. Ako na ang bahala."

"Eh---"

"Wala ka pang tulog Alea. Mabuting magpahinga ka muna. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit."

Wala na akong nagawa.

Bago siya umalis tinanong muna niya ko kung kumusta na yung mga sugat ko, sabi ko naman ok na. Sabi pa nga niya, "Magaling ata doctor natin ah." Nagtaka naman ako kung bakit sinabi niya yun.

Mamaya ko nalang ulit pupuntahan si Pierre paggising ko.

Pierre's POV

"Bro sabihin mo na kasi sakin kung anong nangyari." Pakiusap ni Mars.

Ang kulit talaga ng taong to oh. Ang tanong, tao pa ba to?

Hindi ko pinansin yung pangungulit niya. Sinabi ko na nga kaninang wala hindi pa rin tumitigil. Mangangalahating oras na atang nangungulit to e.

"Akala ko ba bro-turingance tayo?" Paawa effect na sabi niya. Talagang nagpacute pa ang loko.

"Nakakasuka ka." Sabi ko habang inaayos yung kumot ko.

"Nakakasakit ka ha." Aba nagpout pa.

"Pakitawag nalang si Aling Martha pag alis mo. Matutulog muna ako." Saka ako nagtalukbong ng kumot.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon