IMTP 39

3.7K 99 9
                                    

This is a very loooong update. Makabawi man lang ako sa last update ko na sobra namang ikli. :)

Read, vote, and comment! Enjoy. :)

Den xx

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Good morning

Alea's POV

Napatakip agad ako ng mukha pagkasara na pagkasara ng pinto ng cr dito kwarto ko. Ano ba namang kahihiyan ang inaabot namin kanina? Kulang nalang ingudngod ko sa lupa ang mukha ko ng sa ganun ay hindi nila makilala ang Aleang may dugo down there. Aaahh! Gusto ko nalang magdisappear!

"A-ayos ka lang ba dyan?" Tanong sakin mula sa labas ni Pierre.

"O-oo." Bulong nalang na lumabas sa bibig ko.

Ayoko siyang harapin ngayon dahil sa sobrang A-W-K-W-A-R-D ng nangyari. Kaya naman pala. Kaya naman pala ganun nalang ako kamoody kahapon. Yung bigla bigla nalang nag iinit ang ulo ko tapos mamaya okay na ulit. Gusto kong sabunutan ang buhok ko (na ginawa ko naman talaga). Bakit hindi ko man lang naalala na malapit na akong magkaroon?! Ito na nga ba ang pangit sa irregular e. Hindi mo na nga lang alam kung kailan susulpot, dun pa sa araw na hindi mo inaasahan ang dating! Napakagaling naman talaga oh.

Oo, tama kayo. Kahapon lang naman ang umpisa ng paghihirap ng mga babae kada buwan. The day of the month! Arrgh.

"Hintayin nalang kita sa ahm labas." Rinig kong sabi niya bago ako napaupo sa may inidoro. Pagkatapos ko raw kasing magbihis, magsasabay kami ng breakfast. Kami as in kaming lahat kasama na yung iba. (-_-)

Muling nagflashback ang mga nangyari kanina. Nasapo ko ng wala sa oras ang noo ko. Nakakahiya talaga! Isama mo pang hindi man lang umimik si Pierre pagkatapos naming makita si King Cha. Nagdirediretso na lang siya sa paglakad kahit na halos lamunin na kami kanina nila Chad. Mukha tuloy kaming guilty! (>^<)

Hayy. Wala na naman akong magagawa. Siguradong gigisahin nila ako mamaya at baka isigang pa ako ng buhay.

Nagpasya nalang akong maligo dahil sa lagkit na lagkit na ako. Nilabhan ko rin yung alam niyo na... yung stain sa may tela. Pagkatapos kong maligo (buti nalang may mga towel sa loob) lumabas na ako at kinalkal ang bag (na kinuha nila Cass) para sa masusuot. Puro mga sun dress ang nandito at bikinis. Naku talaga.

Isuot mo! Magpaganda ka kay Pierre!

Agad na nagsitaasan ang dugo sa mukha ko. Naalala ko tuloy lahat ng nangyari kagabi at kanina.

"What you feel right now in my chest is far clearer and deeper than what could have said by words."

KYAAAAH! Kinikilig ako! Anebeyen!

Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob hugutin ang isa sa mga sun dress na kulay yellow. Hmm. Parang may kulang. Parang may nakakalimutan ako. Hmmmm.

Kyaaah! Wala pa pala akong aaaah! Ano ba yan! Napakafail ko talaga. Nilabas ko na't lahat lahat ang laman ng bag pero wala akong makita! Anong gagawin ko!

Si Pierre nasa labas.

Oh anong gagawin ko kung nasa labas siya? Baka nga namumuryot na yun kasi ang tagal ko. Baka mamaya hindi na niya ako magustuhan. Aaah! No!

Tange. Pakiusapan mo siyang maghingi o kay bumili.

Ano?! Nakakahiya!

Sa huli wala na rin naman akong choice dahil kung papatagalin ko pa alam niyo na baka hmm baka yung towel naman ang malagyan.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon