IMTP 32

3.4K 84 2
                                    

Zie and Gary

Alea's POV

I found myself standing in front of his room.

Ano bang ginagawa ko rito?

Gusto mo siyang makita. Tama yun nga. Gusto ko siyang makita.

May dala ka bang alibi kung sakaling tanungin niya kung bakit nandito ka?

Alibi? Hmm. *light bulb*

Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya kahapon! Yun nalang. Hihi.

Inhale. Exhale.

"H-hi!" bati ko pagkabukas ko ng pinto at nakita siyang nakaupo sa may couch niya, nagbabasa.

"Hi." Sabi niya ng hindi natingin sakin.

Kahit ganun ginawa niya, kinilig pa rin ako. Sinagot niya yung hi ko! Muwahaha.

May sapi na ata talaga ako. Bigla nalang napalitan ng kaba yung kilig ko. "A-ano... hmm.. kape? He-he." Lapit ko sa kanya sabay lahat ng kapeng hawak ko. Baka kasi hindi niya kagatin yung alibi A ko.

Kinuha naman niya yun, hindi pa rin nakatingin sakin.

Lintik na libro yan! Ang sarap sunugin!

"Gusto ko lang magthank you."

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo, nilagay ang kape na bigay ko sa mesa, lumapit sakin, lumuhod sa harap ko at mas nagulat pa ako ng hawakan niya ang paang ginamot niya kahapon.

Oh my Gad. Oh my Gad.

Ramdam kong nag init ang buong katawan ko lalo na ang mukha ko.

(O//////O)!!!!

Hindi pa ako nakakarecover ng tanungin niya ako.

"Kumusta na paa mo?" Sabay taas niya. Muntik akong naout balance kaya naman napahawak ako sa balikat niya.

Oh shet! Ang tigas! (>____<)

BEHAVE!

Napabuntong hininga ako. Kalma lang, Alea. Balikat lang yan. "A-ah mabuti na." I said stammering.

Nakita kong napatitig siya sa bagay na nasa paa ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang bumuka ang bibig ko at ayun nagpaliwanag ako ng bongga. "Bigay ni Rain. Bawi niya raw sa pagkahulog ko kay Kettle."

Narinig ko siyang nagmurmur pero dahil sa bingi ako hindi ako sigurado kung murmur nga yun o baka hangin or what.

"Kumain ka na ba?" Sabi niya pagkatayo niya. MYGAD! Ang lapit namin sa isat isa!

At dahil sa nasa balikat ko ang kamay niya... Shetness! Ramdam ko ang electric power na dumaloy sa kamay ko! Pakiramdam ko nanginginig na ako ng dahil sa kilig!!!!

"H-hindi... pa...e."

Bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanya.

*lub dub lub dub* Waaaa ang puso ko parang sasabog na!

Nagulat ako ng hilain niya ako papuntang ewan. Oh Gad.

Whoaaaa. Amazing...

"Kumpleto na dito lahat, bakit kailangan mo pang sumabay sa amin kumain?" tanong ko sa kanya. Nandito kasi kami sa may kitchenette niya. Nagulat nga ako ng mapagtanto kung ano to e. Akalain mo yun? Parang condo unit lang kwarto niya.

"Ayoko ng kumakain ng mag isa." Simpleng sabi niya bago tumungo sa may refrigerator.

"Anong ginagawa natin dito?" Bakit naman niya ako dinala rito?

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon