IMTP 34

3.6K 94 19
                                    

Mon Amour

Alea's POV

Pagtalikod ko (sa sobrang kasuwertehan ko) hindi ko napansin na may malaki palang butas sa harap ko. Napasigaw tuloy ako ng malakas ng natisod ako. Tsk. Palpak talaga kahit kailan.

Mabilis pa sa alas kwatrong nilingon ko ang direksyon nila. Lagot ako kapag nahuli nila ako ritong nakikinig ng usapan nila. Err. Kahit na kakapiranggot lang naman naintindihan ko. Biglang kumalabog ang puso ko ng mapagtanto kong wala na sila sa kinatatayuan nila kanina. Shocks. Baka mamaya multo pala yung mga yun. Err. Luminga linga pa ako sa paligid pero wala na talaga sila. Nasaan na kaya yung mga yun?

"Anong nangyari sayo?"

Pakiramdam ko naging bato ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang isang boses na kasing lamig ng gabi. Dahan dahan ko siyang hinarap at nagpilit ngumiti ng pagkalaki laki na pakiramdam ko mapupunit na bibig ko. Kahit hindi niya sabihin, base na nakikita kong ekspresyon ng mukha niya, alam kong naghihinala siya. Ang hindi ko lang maintindihan ay para siyang gulat, inis, nag aalala, at... ninenerbyos? Pero bago ko pa maabsorb ang lahat, nag iba na ang ekspresyon ng mukha niya, naging blanko.

"Ah. He-he. Hi, Pierre! Gabi na ah, bakit nandito ka pa?"

Imbes na sagutin niya ako, tinitigan lang niya ako mula paa hanggang ulo. Para bang ineexamine ako. Naconscious naman ako.

Pagkatapos nun tinitigan niya ako ng masama at tinaasan ng kilay.

Okay. Ang sexy ng dating niya.

"Ah ako? Hmm. Hindi kasi ako makatulog kanina kaya lumabas ako. KALALABAS ko lang talaga, promise. He-he. Parang ang sarap kasi ng hangin ngayon, pansin mo? Nakakagana tuloy maglakad lakad at magsisisigaw. Ha-ha." Tumingin ako sa paligid at nagkunwaring himihikab. "Natablan na ata ako ng antok. Ha-ha. Hindi ka pa ba matutulog? Una na ako ha. Bye!" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Kumaripas na agad ako ng takbo. Phew. That was close.

Kung ano man yung pinag uusapan nila, isa lang ang sigurado ko. Hindi ko dapat narinig yun.

Marsus' POV

Flashback

10 years ago...

"Pierre!" sabay tapik ko sa kanya sa balikat. Nandito na naman siya sa puno na ito. Hindi ko alam sa kanya pero palagi ko siyang nakikitang pumupunta rito. Minsan natutulog, minsan kapag may problema o kaya naman masama ang timpla. Naging tambayan na ata niya, "Ano na namang ginawa mo?"

Kanina kasi habang hinahanap ko siya (gusto ko kasing maglaro haha) may bigla nalang nakabunggo saking batang babae. Umiiyak siya. Kasing edad lang siguro namin. Galing siya sa direksyon na alam kong si Pierre lang ang pwedeng pumunta at alam ko na naman na dahil sa kanya kaya umiiyak ang kaharap ko ngayon.

Oh Pierre. Ano na naman kaya ngayon ang sinabi niya para mapaiyak ang bata na ito? Hindi lang naman ngayon ito nangyari. Ilang beses na.

May lugar kasi rito sa palasyo na kung saan si Pierre lang ang pwedeng pumunta. Hindi niya hinahayaang may makalapit o makatapak man lang sa lugar na yun. Special kasi sa kanya yun. Special na special. At alam ko kung bakit.

Sa mga nagtangka o walang alam na nakakapunta dun, iisa lang sng kanilang naging ending. Tumatakbo silang luhaan. (Mostly girls kasi na pinapakilala sa kanya ng hari) Kadalasan kapag nakaksalubong ko yung mga pinaiyak wala lang naman sa akin. Pero ngayon iba. May iba akong naramdaman habang pinagmamasdan kong umiiyak ang babaeng nasa harap ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot ng makita ang mukha niyang may bahid ng luha. Parang gusto ko siyang yakapin at protektahan. I suddenly have this urge to take her and make her smile. And that's weird...

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon