IMTP 44

2.4K 78 2
                                    

Author's Note:

Sorry for the supah latteee update. Haha! Sinusulit ko rin kasi ang bakasyon. Alam na... By the way, kung gusto niyo magpadedicate (kung gusto lang naman haha) comment lang kayo, okay? Salamat sa lahat ng nagbabasa lalo na sa mga nagvovote at nagcocomment! :)

xx

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

My Majesty

Alea's POV

I miss you

I miss you

I miss you

Napabuntong hininga ako.

It's been three deadly long days. Tatlo. Talong araw na since nung huli ko siyang nakita. Asdfghjkl! Tatlong araw na since nung umalis siya! At heto ako ngayon...drained ang energy, ang laki pa ng eyebags. Nakatanaw lang ako sa hindi ko naman alam kung saan. Nakapangalumbaba, nagmumukmok, nagtatameme habang nakaupo't walang kasama. Thanks to my friends na kanina pa nagtatawanan sa mga pinagchichickahan nilang i-really-don't-care-whatevers. Physically present, mentally absent. Ni hindi man lang nila ako dinadamayan sa kalungkutang nararamdaman ko.

Kita mo tong si Mandy. Nung isang araw lang kasama ko pa tong naghihinagpis e tapos ngayon siya pa na ang nangunguna sa pagbabangka ng kwentuhan at tawanan. Hayyy. Kung bakit ko nga naman kasi nakasalubong pa si Mandy nun.

Maaga akong gumising para ipagluto si Pierre. Hihi. Simpleng lugaw lang naman sana. You know. Matapos ba naman kagabi feeling ko MU (kahit hindi ako sigurado) na kami kaya syempre pampadagdag ng reason para magustuhan niya ako kung ako ang una niyang makikita pagkagising niya with breakfast in bed pa.

Napahawaka ako sa mga pisngi ko. Iihh. Kinikilig talaga ako kapag naaalala ko kung anong nangyari kagabi. Kyaaah! Yun nga lang sabi nga sa napanuod ko 'sometimes the best comes with the worst'. Nun ba namang oras na sinabi ko sa kanyang mahal ko siya asdfghjkl dun pa pumutok yung pinakamalakas na firework! Hindi ko tuloy narinig kung anong sinabi niya. All I know is he mouthed something that time. Err. Hindi ko naman na napaulit sa kanya kasi bigla nalang niya akong kinabig ulit para mayakap. Kyaaah! Kinikilig pa rin ako. Iiihhh!

Ang laki pa ng ngiti ko niyan at may patalon talon pa ako sa may hallway papuntang kusina. Walang makakapantay sa good vibes ko hanggang sa makasalubong ko si Mandy na dinaig pa ang sinigang sa sampaloc mix sa sobrang anim ng mukha. Magkahalong inis at lungkot ang nakikita ko sa ekspresyon niya. Hawak pa niya phone niya sa may dibdib. Hmm. Kaysa magbrainstorm ako kung anong nangyari sa kanya pinili kong lapitan nalang siya.

"Ang aga mo namang nagising." Nakangiting bungat ko sa nakabusangot niyang mukha.

"Alas diyes na ng umaga, anong maaga ka dyan." Pinilit niyang ngumiti pero ngiwi lang ang kinalabasan.

"Maaga na sakin to no. Haha. Problema mo?" Nagpatuloy kami ng lakad papuntang kusina.

"Marsus..."

Mabilis na tinignan ko siya. Mula ulo pababa sa paa. "Anong ginawa sayo ni Mars? Naku naku. Wag siyang magkakamali, masasapak ko siya hanggang sa malagas lahat ng ngipin at gums niya."

"Sira ka talaga." Sabi niya bago ngumiti.

"Sabi kasi niya mamamasyal kami ngayon..."

"Tapos?"

"E kaso hindi ko na siya nakita simula pa kagabi. Tinetext at tinatawagan ko, hindi naman niya ako sinasagot. Arrgh."

"Kaya naman pala halos masira mo na yang cellphone." Ang higpit kasi ng hawak niya sa phone niya.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon