IMTP 53

2.5K 76 3
                                    

Sorry for the late update! :)

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

First day

Alea's POV

"Anak, hindi ka pa ba babangon?" Tanong sakin ni Moma pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Natigil ako sa kakagulong sa kama at napatingin sa kanya. Mag iisang oras na akong gising pero hanggang ngayon wala pa rin akong balak bumangon. Bakit ba? E sa hindi ko mapigilan magdaydream e. Iih!

"5 minutes, Mo." I said then giggled.

Umiling siya na para bang sabing 'pag ibig nga naman' bago ngumiti at lumapit. Umupo siya sa gilid ko at hinaplos ang mukha ko.

"Kapag nakikita kita ngayon kung gaano ka kasaya, ni katiting wala akong nararamdamang pagsisisi sa naging desisyon ko."

"Hmm?"

"Sabi ko bumangon ka na dyan at kumain. Aalis na ako. Baka gabihin ako kaya ikaw na bahala ng dinner mo, okay?" Hinalikan niya ang noo ko. "Magpaluto ka nalang sa oh so good chef boyfriend mo. Pero please lang ha, anak... Wag niyo munang kainin ang isa't isa."

Kumunot ang noo ko pero ilang sandali pa nanlaki ang mga mata ng marealize kung anong ibig niyang sabihin. Tumawa siya ng malakas hanggang makalabas siya. Sigurado akong nangangamatis na naman sa pula mukha ko. (>_<)

Buong byahe kagabi pauwi hawak lang niya ang kaliwang kamay ko habang nagdadrive. Hinihila ko nga--kunwari lang haha--para makapagconcentrate siya pero wala e. Mas pinili niyang pakiligin ako ng bongga hanggang makarating ng bahay.

Hindi pa rin ako makapaniwala na at last sa hindi na mabilang na chapters ng author... kami na ng prince charming ko. Hindi ko na kailangang pumunta pa sa fairyland at humingi ng tulong sa isang fairy god mother para lang mapansin niya. Ngayon, heto ako't gising na gising sa mundong Diyos lang ang may gawa.

Anong kaartehan yan, Alea? Wala ring connect.

Natawa ako sa sariling naisip. Mukhang alam ko na kung anong kukunin kong course.

Balik tayo kung saan ako natapos kanina. Ang sinasabi ko lang naman ay wala ng dahilan para pumikit pa. Dahil ang nag iisang pangarap ko abot kamay ko na at nasa akin na. For real. FOR REAL!

Hindi man siya naspeech ng pagkahaba haba kagabi at kahit hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya't nagkunwari pang hindi ako kilala...walang segundong hiniling ko na iba ang naging takbo ng pangyayari. Lahat ng ginawa at sinabi niya, para sakin, ang pinakaromantic sa lahat ng romantic.

Tinaas ko ang kaliwang kamay ko. Kahit kailan never pa sumagi sa isip ko ang word na destiny. Pero ngayon habang tinitignan ko ang kumikintab na bagay nakasuot sa daliri ko, hindi ko maiwasang maniwala. Hindi ako pwedeng magkamali, ito yung nakita ko sa Bound. Silver crown na may diamond sa gitna. Napangiti ako sa sarili ko at naisip... nagkataon man o tadhana ang gumawa, nagpapasalamat ako na sa akin to napunta.

Bumangon ako ng may bigla akong maalala. Pumunta ako sa may study table para kunin ang nakapatong ang laptop ko. Kagabi kasi pagkauwo namin naabutan ko sila Moma sa sala na nagkukumpulan sa iisang sofa habang nakatingin sa laptop. Humahagikgik siya pati na rin ang girls. Sila Mars at Chad naman nangingiti habang umiiling.

Ibobroadcast ko na sana sa kanila na kami na pero mukhang may nauna na dahil pakakita palang samin agad na silang lumapit at nagcongratulate. Paano? Kailan? Saam? Sino nagsabi? Err. Pulang pula ang mukha ni Pierre bago sila umalis at hindi ko alam kung bakit. Si Moma naman hindi pa makagetover at nakipagchickahan pa sa kwarto ko hanggang madaling araw.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon