IMTP 16

3.7K 103 1
                                    

First move

Pierre's POV

Dahan dahan kong minulat yung isa kong mata. Tapos sinunod ko naman yung isa pa. Bigla nalang akong nakaramdam ng matinding kirot sa ulo ko. Sht! Ang sakit! Para bang may kung anong dinudurog sa loob. Nanlalabo rin yung paningin ko. Tapos ang sama ng pakiramdam ko. Tae naman!

Pinilit kong umupo pero wala e. Bumaksak din agad ako. Paano ba naman yung paligid ko parang atang umiikot. ARRGH! Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari kagabi. Sht. Wala akong maalala. Basta ang alam ko lang nagpaluto ako ng pagkain kay Aling Martha. Tapos pagkatapos nun, wala na.

Hahawakan ko na sana yung ulo ko ng mapansin kong hindi ko maigalaw yung kaliwang kamay ko.

Hindi ko maigalaw kasi... may nakahawak?

Lumingon ako sa gilid ko. Then I saw someone sitting on a couch. Teka. Paano nagkaron ng couch sa tabi ng kama ko? Messy ang buhok tapos mukhang hindi naligo kasi hindi naman siya nakapangtulog. She's just wearing a white tshirt and pants.

Hindi ko makita ng yung mukha niya. Nakapahinga kasi yung mukha niya sa mga tuhod niya. Idagdag mo pa yung mgulong buhok niya na nakaharang. Tapos yung isa niyang kamay may hawak hawak na towel.

Pagkakita ko sa towel, dun ko lang napansin sa harap niya yung malaking bowl na may lamang tubig hmm halos wala na ngang laman e tapos mga gamot, maliit na bowl na may kutsara at thermometer.

Wait...

Did I just say... tshirt and pants?

Kinurap kurap ko yung mga mata ko.

Isa lang ang kilala kong nagsusuot ng ganyan dito sa palasyo.

(O_O)

Para akong sinabuyan ng malamig na tubig ng mapagtanto kong...

"Alea?", mahinang sabi ko.

Mabilis pa sa hangin kung itaas niya yung ulo niya. Kita mo sa mukha niya yung halong gulat at nerbyos ng marinig niya ako.

Anong ginagawa niya dito?!

Agad agad niya akong nilapitan sabay hawak sa noo ko.

"Pierre! Ano? Kumusta ka na? May problema ba? Ano pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Nahihilo ka ba? Nasusuka? Nagugutom? May kelangan ka? Kelangan mo ng tubig? Pagkain? Lugaw? Siopao? Asado o bola-bola?" Nag aalalang tanong niya.

Hindi ko pinansin yung mga tanong niya. "Bakit nandito ka?"

Para namang hindi niya ko narinig. "Teka lang kunin ko yung thermometer para matignan natin-"

"Anong ginagawa mo dito sabi?" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

Inalis niya yung tingin niya sakin. Ilang segundo rin bago siya sumagot.

"May sakit ka."

"Alam kong may sakit ako. Ang ibig kong sabihin, bakit KA nandito? Umalis ka na" Napatingin siya sa sinabi ko. Biglang nag iba yung expresyon ng mukha niya. Yung mga mata niya parang galit na galit.

Alea's POV

Kumukulo ang dugo ko sa pinagsasabi nitong taong to. Siguro ngayon pulang pula na yung mukha ko. Grabe. Ang tanga kasi. Tinatanong pa ba yung dahilan kung bat ako nandito e obvious naman!

"GAGO KA KASI PIERRE!", napatayo na ako nun. Kaya naman nabitawan ko na yung kamay niya. Badtrip! Sayang. Tss.

Halatang gulat siya sa reaksyon ko.

"Sinabi mong wala kang allergy jan sa walanjong gata na yan! Tapos malalaman ko nalang na meron pala! Kung hindi ko pa siguro nakita at kinulit si Manang Martha, hindi ko pa malalaman! Ngayon tinatanong mo ko kung bakit ako nandito? Malamang para alagaan ka! Tapos papaalisin mo ako?! Kung ang tingin mo sakin walang pakiramdam, nagkakamali ka. Nagmamalasakit rin ako lalo na't KASALANAN KO yang nangyari sayo! Kung! TAE NAMAN PIERRE! DAPAT HINDI KA MO SINUSUGAL YUNG BUHAY MO SA WALANG KWENTANG GATA NA YUN!" galit na sabi ko. Takte naiiyak na ako.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon