IMTP 5

5.6K 160 3
  • Dedicated kay J'arden Urbano
                                    

Mistaken

Kasalukuyan akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin habang may nakasalampak na toothbrush sa bibig. Maaga talaga akong gumising ngayon. Ayokong mag-aksaya ng oras. Wala na nga akong nagawa kahapon tapos puro kapalpakan pa ang inabot ko. Kaya ngayon sisiguraduhin kong mararamdaman ko na ang tunay na bakasyon. Hindi ko mapigilang maexcite!

"Nasaan ang mga damit ko?!" Napasigaw ako sa inis ng makitang walang ni isa sa mga inaayos ko sa malate ko ang nakalagay dun. Imbes ay puro mga dress at kabebehan ang nakaligpit doon na para bang pinagplanuhan. "Baklang lalaki ka! Malalagot ka talaga sakin!"

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha nalang ang unang nahawakan ko. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na palaayos. Minsan lang kapag nakukulitan na ako sa kakapilit nila Chad o kaya naman ay may okasyon na pupuntahan. Once in a blue moon.

Maganda na naman kasi ako kahit walang kung ano ano. Pano na lang kung araw arawin ko pa ang pag ayos? Kawawa naman yung mga babaeng madadaanan ko. I'm sure lahat ng mga kadate nila mawawala at matatagpuan nalang nilang nakasunod sakin. Hindi sa nagmamayabang pero maganda ako ng kahit sa mga simpleng damit lang at walang make up o ano pang mga churva. Sabi nga, beauty is subjective and we have our own different ways of appreciating it. All we need to do is to chin up, speak out with positive attitude and for sure your beauty would stand out.

Tinignan ko ang dress na nakuha ko. It's an off shoulders green above the knee dress na humahapit sa dibdib ko hanggang sa bewang at maluwang naman ang mula na bewang pababa.  At dahil wala na akong ibang panyapak maliban sa rubber shoes na kulay itim (ayoko naman magmukhang probinsyana) napagdesisyonan kong isuot nalang ang isa sa mga puting heels na nasa maleta. Kapag ako napilay chachamp chapin ko ang mga paa mo, Chad.

Nang matapos ako kinuha ko na ang handy bag na dala ko at tinanggal ang mga hindi ko naman magagamit. Napapikit ako ng makapa ko ang isang bagay na ayaw kong makita. Nag alangan pa ako kung isasama ko ito o iiwan nalang--kagaya ng ginawa niya samin. Huminga ako ng malalim at hinayaan nalang ito sa loob ng bag ko.

NAGPUNTA ako sa ng centro ng town. Nagtanong tanong pa ako bago ako makarating dun. Sobrang daming mga boutique for dresses, accessories, shoes, souvenirs and so on. Hanggang tingin lang naman ako kasi naman tinitignan ko palang ang labas ng bawat shop pakiramdam ko sa oras na tumapak ako sa loob, magbabayad agad ako. Malinis ang paligid at tanging mga nahulog na dahon na mas nagpaganda pa sa daan ang makikita mo.

Gusto kong magmura sa sakit na ng paa ko. Napapangiwi nalang ako habang patuloy pa rin sa pag lalakad. Napahinto lang ako ng makakita ng langit. Mabilis na lumapit ako at umupo sa bench. Sa hindi kalayuan ay may nakatanaw akong isang shop ng mga bulaklak. Pero hindi ang mga naggagandahang bulaklak ang nakakuha ng atensyon ko kung hindi ay yung mga nakakulay pulang tao na may suot pang malaking sombrero na may itim na balahibo. May kanya kanya pa silang sukbit ng espada. Marami sila at parang nagbabantay sa labas ng nito. Para silang mga guardia civil.

Tinagilid ko ang ulo ko ng makita ang mga babaeng papalabas mula sa loob na may kanya kanyang dalang isang piraso ng bulaklak. Nang sa tingin ko ay nakalabas na silang lahat binilang ko sila. Siyam sila na pareparehas ng suot--napatingin ako sa damit ko. Hindi ko alam kung naglalaro ba ang tadhana at matatawa ako o maiinis. Katulad ko kasi sila ng kulay ng damit. At kapag sinabi kong katulad para talaga kaming sasayaw sa carnival. Ang pinagkaiba nga lang ay halata silang mga mayayaman sa sobrang galante nila tumayo. Isama mo pa ang mga suot nilang diamanté at hindi ko mapangalanang nga alahas. Isa lang ang pansin ko sa kanilang hindi ganun kasocial at nakasalamin pa. Pinagtitinginan or should I say pinagkakaguluhan na sila ng mga tao at may mga kumukuha pa ng litrato. Hindi na ako magtataka kung mga modelo sila o kaya naman artista. Lahat kasi sila may maipagyayabang na ganda, tangkad at porma.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon