IMTP 47

2.7K 85 7
                                    

Passage of time

Alea's POV

3 days, 72 hours, 4320 minutes, 259200 seconds....gallon of tears.

Lumiwanag ang paligid at unti unti kong natanaw ang isang lalaking nakatalikod sakin. Wala akong ibang makita kundi puti. Wala akong ibang kasama kung hindi siya. Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko rito? Sino siya? Bakit kami magkasama? Hahakbang na sana ako palapit sa kanya ng dahan dahang siyang humarap sakin at nakita ko ang mukha ni... Pierre.

Napabalikwas ako sa kama ng hingal na hingal. Kinapa ko ang mukha ko at napagtantong nakatulog pala ako. Nahulog pa yung dalawang unan sa sahig gawa ng taranta ko. Agad tumulo ang luha ko ng maalala ang panaginip ko. Hanggang dun ba naman sinusundan mo ko?

Shit.

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng makauwi kami sa Pilipinas. Nakakapanibago. Ang matulog at gumising sa umaga na iba na ang kama mo. Ang magsalamin sa maliit na bilog sa banyo kumpara sa whole size mirror noon sa kwarto.

Kwarto.

Hindi na ngayon.

Naalala ko kung paano nabigla si King Cha ng makita na kaming papasakay sa kotse ni Rain. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya pati na rin kina Aling Martha. Masyadong masakit sakin ang lahat ng mga oras na yun na hanggang sa dumating kami sa airport panay pa rin ang tulo ng luha ko.

Ang nakakatawa lang lahat na nagbago pwera nalang ang nararamdaman ko. Hindi pa rin nababawasan ang sakit sa dibdib ko.

"Alea, kakain na!"

Napatingin ako sa pinto kung saan kumakatok si Cass mula sa labas. Simula ng dumating kami tatlong araw na silang nandito sa bahay. Napabuntong hininga nalang ako. Ano bang akala nila magpapakamatay ako?

"Anak naman, magkakasakit ka niyan! Tatlong araw ka ng hindi kumakain! Puro tubig nalang laman ng tiyan mo! Lumabas ka na baka malate ka pa sa pasok mo!"

Pinili ko nalang na tumayo at pagbuksan sila ng pinto. Gustuhin ko mang matulog nalang ulit nadala na ako sa panaginip ko. Pati sa safe haven ko nakapasok na rin siya.

Pagbukas ko ng pinto unang tumama sa mata ko ang nakangising mukha ni Chad na mukhang kabababa lang ng tawag. Buti nalang kahit hindi naging maganda ang napala ko, may isa sa amin na umuwi ng masaya. Ikaw ba naman habulin sa airport at gumawa ng eksena.

"CHADDEVON ETHERINGTON!"

Lahat kami napalingon sa tinis ng sigaw galing sa likuran kung saan nakatayo ang hingal na hingal na Liz. Gulo gulo ang buhok niya pati eyeglasses niya hindi na rin pantay.

Agad niyang inayos ang sarili niya ng malapitan niya kami. Nakatingin---nakatitig lang siya kay Chad na ngayo'y hindi na mapaliwanag ang itsura. Gulat, pagkalito, at amusement ang nakapaskil sa mukha niya.

"Z-zie... Anong ginagawa mo rito?" Mukhang tangang tanong ni Chad.

"Gusto lang kitang pagbantaan na sa oras na lumapag yang eroplanong sasakyan niyo ni anino ng kahit sinong babae, well maliban kay Alea at Cass, hindi mo pwedeng tignan. Do you understand?" Nakataas pa ang kilay ni Liz habang sinasabi niya ang pinakamahabang sentence na narinig ko mula sa kanya.

Naramdaman ko ulit ang pagkirot ng puso ko. Shit. Hindi oras para mainggit.

"Ibig s-sabihin ba nito---"

Hindi na natapos ni Chad ang sasabihin niya ng bigla nalang siyang sinunggaban ni Liz. Oh my. SPG.

Nang humiwalay na Liz ay parang baliw na silang nakangiti sa isat isa. Nakahawak si Chad sa magkabilang pisngi ni Liz na para bang hindi pa rin makapaniwala na hawak na niya ang pangarap niya. Tumango tango si Liz bilang sagot sa hindi natapos na sagot ni Chad. Bumulong pa siya ng 'slow' bago hinalikan muli ni Chad.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon