IMTP 49

3.2K 87 5
                                    

Chase

Alea's POV

Dali dali akong lumabas ng kwarto ng makakain ng almusal. Mahirap na baka malate na naman ako. Tsk. Siguradong gigisahin na naman ako ni Miss Principal kapag nagkataon.

Bago ako makarating sa kusina binuksan ko muna ang tv. Ewan ko ba para kasing may nagsasabi saking buksan ko.

"What a great honor to be with you today, your highness."

"You can call me Pierre. Wala naman tayo sa palasyo kaya ituring mo kong ordinaryo lang na tao."

Nanigas ako pagkarinig ng boses niya. Nanayili sa hangin ang dapat sana na isusubo ko. Asdfghjkl? Bakit siya nasa tv? Mukhang nasa interview siya or talk show ah?

Malamang prinsipe yan, teh. Anong inaasahan mo? Walang hahabol diyan para mag interview?

Gusto kong sakalin ang subsconscious ko. You really know how to ruin my morning.

Dalawang araw na. Dalawang araw na rin mula ng una (dito sa Pilipinas) kaming magkita. At sana yun na ang huli. Hindi naman siya nagpaparamdam kaya mukhang ganun na nga. Mabuti na rin ang ganito na umayos at bumalik na sa dati ang buhay ko.

Gusto kong pumunta sa sala at patayin nalang yung tv kaso kapag ginawa ko yun siguradong masusulyapan ko siya at ayoko yung mangyari. Magtitiis nalang akong makinig--I mean hindi nalang ako makikinig. Err.

"Marunong po pala kayong magtagalog?"

Nainis ako sa babaeng kung makapagtanong akala mo hindi halata ang pagpapacute niya. Kung ako nasa harap niya sasabihin ko talagang 'Hoy, te! Baka hindi mo alam pinapalabas kayo sa tv? Posibleng milyon milyon ang nanunuod ng programa niyo tapos kung makapagpacute akala mo kayo lang dalawa! Ang landi mo, alam ko?'

Teka nga. Bakit ba ako naiinis? Tss. Bahala siya sa buhay niya. Dapat nga maawa pa ako sa kanya kasi alam ko kung gaano nakakaintimidate at nakakatakot ang mukha ni ano kapag seryoso.

"Yeah, a little. And please wag mo na akong i-po or opo, okay?"

Tumaas ang kilay ko pati na rin ang altepresyon ko. Mabilis na tumama ang kamay ko sa mesa dahilan para tumalon ang pinggan at gumawa ng tunog.

What the hell? Bingi talaga ako, alam ko. Pero hindi ako nagkamali ng marinig ko ngisi sa paraan ng pasasalita niya.

Ano to? Nakikipagflirt din siya?!

Bumilis ang hininga ko. How could he! Kasasabi niya lang na ano ah na hmm basta yun na yun! Tapos ngayon eto siya at pinapantayan ang kalandian ng sinumang namfiflirt sa kanya?!

"Okay. I'll be asking you now questions, may I?"

Maarteng sabi niya. Hindi naman sumagot si Pierre. Siguro nagnod or something.

Nawalan na ako ng gana kaya tumayo nalang ako at nagtimpla ng gatas sa may counter.

"We heard na kasama mong bumisita ang mga kaibigan mo who, in fact, are also royalties."

"Yes."

"Where are they?"

"Probably still sleeping."

I heard the interviewer chuckle. Seriously? Anong nakakatawa? Malamang sobrang aga pa kaya tulog pa sila. Isa pa pagod yung mga yun kapapasyal kahapon. Arrgh.

"So....Pierre, ano nga bang dahilan ng biglaang pagbisita mo ng bansa? Are you in some kind of a dealing with the President? Or do you have any plans of investing or buying some stocks in the market?"

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon