Epilogue

4.6K 130 18
                                    


"When two people are destined for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever tear them apart. Because what's meant to be will always find its way."

------------------------------------------------------

"Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Araw araw nalang ba akong iiyak ng dahil sayo? Sabihin mo naman kung may pag asa pa oh..."

Masakit.

Sobrang sakit na.

Ang malala pa nakakawalang urat na! Badtrip.

ARGGGH!

"Nakakainis na! Bakit ba ayaw mong makisama?! Kanina ka pa. Nakakasakit ka na. Paulit ulit pa! Arrgh. Nakakagigil ka!" Walang takot na dinuro duro ko siya.

"Isang beses pa talaga..." Timping sabi ko habang kaharap ang palayok na naghihintay sa mga susunod pang ilalagay ko. Lumingon ako sa mesa kung saan nandun ang mga basag na itlog, yung iba sunog na kanina ko pa piniperfect iluto. Napahigpit nalang ako ng hawak sa sandok at humarap ulit sa kawali. "Pasalamat ka. Naku, naku kung hindi lang talaga..."

Inhale.

Exhale.

"Wife?"

Heto na, heto na.

Warm the pan and melt the butter.

Kung bakit ba naman kasi butter ba ang nakalagay dito? Pwede namang mantika ah. Tsk.

Place the pan over medium heat.

Ready na.

Crack the egg into a measuring cup and gently tip it into the skillet.

Dahan, dahan. Malapit na---

"AY ITLOG!" Napatalon ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod.

"Bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag?"

Ramdam ko pa ang init ng katawan niyang nakadikit sakin dahil nakatopless siya. Pero mas ramdam ko ang pagtaas ng altapresyon ko pagkakita sa itlog na mapapaperfect ko na sana kaso ngayon ay... basag na.

"Sana ginising mo nalang ako." Malambing na sabi niya habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

Walang anu anong tinanggal ko ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko, pinatay ang kalan at padabog na umalis sa harap niya.

Kumukulo dugo ko. Kumukulo. Hindi niya magugustuhan ang mga lalabas sa bibig ko kapag hindi siya tumigil.

"Wife..." Takang sabi niya sa inasta ko.

Mas lalo akong nairita. "Wife mo mukha mo!" Sabi ko habang naglalakad papunta ng kwarto. Gusto ko nalang matulog ulit.

"Bakit ka na naman nagagalit?" Tanong niya ng sinundan niya ako.

Hinarap ko siya. "Sinabi mong sana ginising nalang kita e kung makatulog ka parang mantika! Kung hindi mo ko niyakap e di sana naperfe--nakapagluto na ako ngayon!"

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon