IMTP 57

2.4K 81 5
                                    

The Diary

Alea's POV

Alam niyo ba yung feeling na kahit anong ingay sa paligid, kahit saan ka magpunta, para bang lumulutang ka? Yung tipong lumipad na ang isip mo na halos nakarating na sa dulo ng Pilipinas at lumubog na sa Pacific Ocean sa sobrang lalim? Yung kusang gumalaw yung mga paa mo at hindi mo namamalayang nasa harap ka na pala ng kwarto niya?

My heart started to race. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako kasi...natatakot? Naeexcite? Aish! Ewan. Basta paggising ko nalang naisip ko na sa bawat kwento ay may dalawang anggulo. It's either pakikinggan ko o babalewalain siya at magmumukmok ako dito. And obviously pinili ko ang una.

Pero bago pa man ako makapagtaas ng kamay para kumatok may nagsalita na sa gilid ko.

"G-good morning, your highness."

.

Bigong naglalakad ako ngayon papunta sa kwarto ko. Sabi ni Jenny, isa sa mga maid nila na kumausap sakin kanina, hindi pa raw siya nakikita ng kahit na sino dalawang araw na. Kaya naman ang ginawa ko nilibot ko ang palasyo para makita siya pero sa huli bumigat lang ang pakiramdam ko. Wala akong Pierre na nakita at napagtanto kong iba na ang turing sakin ng mga tao rito sa palasyo. Kung dati okay pa na kinakausap ko sila na parang barkada lang ngayon ni hindi na sila makatingin sakin ng diretso. Para bang nahihiya, natatakot, overwhelmed sila habang kaharap ako. And right then I realized hindi lang pala ako ang naapektuhan lahat ng ito.

Malapit na ako sa kwarto ko ng maisipan kong lumabas at magpahangin. Tumungo ako sa lugar kung saan ko itinamin ang mga bulaklak na bigay sakin ni Pierre.

Malayo palang ako tanaw ko na ang--napahinto ako. Kung may babasagin man akong dala siguro ay kanina ko pa yun nabitawan sa sobrang gulat ko. Napahawak ako sa bibig ko. Isa, dalawa, tatlo, apat lang ang natatandaan kong tinanim ko at hindi isang daang lilies ang nakatayo ngayon sa harap ko.

"P-paanong?"

Dahan dahang akong lumapit at hinawakan ang mga umuusbong na na bulaklak. May kung anong kumirot sa dibdib ko. Isa lang ang kilala kong may gawa nito.

Walang anu anong tumalikod ako at tumakbo papunta sa lugar na hindi ko pa natitignan.

"Ang tanga ko! Kung bakit kasi mas pinairal ko pa yung pride ko kaysa pakinggan siya?! Arrgh."

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko na nga napapansin yung mga naggugoodmorning kasi naman wala ng ibang nasa isip ko kung hindi siya. Baka nagsawa na siya sakin. Baka ayaw na niya sakin dahil sa kaartehan ko. Waaaa! Bakit ang tagal ko kasi bago narealize lahat ng to?

Saktong pagdating ko ay nakita ko si Dilan galing sa loob na papaalis na.

"Dilan!" Tawag ko na hindi ata niya narinig kasi nagdirediretso lang siya. Aish!

Sumilip muna ako sa loob bago pumasok. Hmm. Nang wala akong makita ni anino pumasok na ako at tinungo ang hagdan. Nandito kaya siya?

Naalala ko pa nung una akong napunta rito. Hinahanap ko siya nun para magthank you pero iba ang kinalabasan. Naging sumbatan ang sana ay pagpapacute ko sa kanya.

Napangiti ako sa alaalang yun.

Kakatok na sana ako ng pagsagi ng kamay ko sa pinto ay bumukas ito. Nagtalo ang isip ko kung papasok ba ako o isasara ang pinto at aalis nalang. Ganitong ganito rin dati ang nangyari. Ang kinaibahan lang ngayon parang may sariling utak ang mga kamay at paa. Nakapasok na ako bago ko pa nalaman.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon