IMTP 19

3.7K 89 7
                                    

Protector

Alea's POV

7:30AM

'ON-GOING EXAMINATION. DO NOT DISTURB.'

Pagkatapos kong isulat sa isang papel, agad ko siyang idinikit sa labas ng pintuan ko. Mahirap na. Baka mamaya may biglang pumasok habang kasalukuyan akong nagtatake ng exam. Madistract pa ako. Wala ang concentration. Sira ang pangarap. Ekk.

Ang aga kong gumising para lang gawin lahat ng daily routines ko tulad ng ligo, tootbrush, etc. Ayoko namang magtake ng exam na hindi ako comfortable sa sarili ko. Hmm. 30 mins nalang at mag uumpisa na yung online examination ko.

Oh shocks! May nakalimutan ako. Online nga pala yun at wala akong device pangOL! Ay tanga, Alea. Bakit ngayon mo lang naalala?!

Lakad ako ng lakad sa kwarto ko Hindi ko alam kung san ako kukuha o kanino ang manghihiram. Tsk. Bakit ba kasi hindi man lang pumasok sa isip ko kahapon na kelangan ko pala ng device?! Tss. Malamang dahil to sa sobrang inis ko sa mahal niyong prinsipe. Arrgh. Nakakaasar talaga.

Erase. Erase.

Alea, mag eexam ka. Wag mo munang problemahin yun.

Tama. Mamaya susugurin ko talaga yun.

Pero teka muna. Paano na ngayon tong problema ko?!

7:40AM

OMG. Takbuhin ko na kaya si Clou o kaya si Liz o kaya si Mars?!

Alea, takbo na!

Haler. Hindi ko naman alam mga kwarto nila. Tsk.

Tawagan mo kaya, shonga.

Tumakbo naman ako agad sa may study table ko. Dun ko kasi last na naipatong yun e.

Bago ko pa makuha yung cellphone ko, napatigil na ako agad ng makita ang isang box sa ibabaw ng mesa ko.

Huh? San to galing? Kanino to galing?

Hala. May ibang nakakapasok ng kwarto ko? Baka mamaya may mga ninakaw na sila sa mga gamit ko!

Nasa palasyo ka Alea. Hindi nila pag aaksayahan ng oras yang mga gamit mo.

E paano to napunta rito?

Kinuha ko yung box. May nakita akong paper sa ibabaw niya na nakafold ng apat. Kinuha ko naman saka ko binuksan.

'Take it as a peace offering. -P'

Alam ko na kung kanino galing to. Tsk. Humihingi ba siya ng sorry o ano? Kahit ba naman sa sulat napakacold pa rin. Para lang akong inuutusan sa sulat niya. Tss.

Pagkabukas ko ng box, halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko.

Shocks! Peace offering niya, LAPTOP?!

Kinuha ko agad yun mula sa loob at pinagmasdan. Kulay gold siya na sobrang nipis. Tapos nasa 15 inches ang haba, 8 inches naman mahigit ang width. Pagtingin ko sa gitna may malaking nakaengrave dun na 'ACL'. Cute nga e kasi yung C parang moon. Hmm. Baka ito yung tatak?

Time check, 7:50A.M.

For the mean time hihiramin ko muna to sa kanya. Hiram lang. Ayoko namang tanggapin to. Mas mahal pa to sa lahat ng gamit ko e. (T_T)

Biglang nag init yung mukha ko pagkabukas ko ng laptop.

(>////<)

Paano ba naman kasi may isang letter pa dun! Ang nakalagay....

'SORRY'

Shemaaaaaay! Gusto kong magtatatalon sa kilig! Hahaha. Sigurado na akong perfect na lahat ng exams ko. Ikaw ba naman pakiligin ng crush mo bago magtake ng exam! (^O^)

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon