IMTP 51

3K 101 6
                                    

Sorry for the late UD. May biglaang lakad kahapon at sobrang napagod talaga ako. xx

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Be careful

Alea's POV

Hindi matanggal tangal ang ngiti ko habang nagsisipilyo. Letchugas hanggang ngayon hindi pa rin ako makagetover! Aah!

*beep*

Mabilis pa sa alas kwatrong tinakbo ko ang kama ko para silipin kung sino ang nagtext. Kahit basa ang kamay ko at nasa bunganga ko pa ang toothbrush dumamba pa rin ako sa kama at kinuha ang phone.

Halos malunok ko ang laman ng bibig ko (eww) ng hindi ko mapigilang mapatili sa nabasa. Kyaaaahh! Nagpagulong gulong ako sa kama sabay silip ulit ng text. Hindi naman ako nananaginip, diba? Shetlags talaga! Kyaaah! This is love!

From: MY MAJESTY <3

Good morning, baby! :*

End

Tumakbo ako sa banyo sabay mumog. Takbo ulit sa kama at nagtatatalon. Hindi ko macontain ang kilig na nararamdaman ko. KYAAAAHHH!

Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Napahawak ako sa pisngi ko. Ang init init na ng mukha ko! Pero wala akong pakialam! Kyaaaah!

Kami na ba? OMG! May boyfriend na ako?!!!!

"KYAAAAAAHHHHH!!!!!" Napahiga na ako sa kama at nagpagulong gulong ulit.

May boyfriend na ako?

Kinuha ko ang unan at nagtititili. Oh my gosh!

*BLAAAAGGH*

Napaupo ako agad sa malakas na bukas ng pinto.

"Anak, anong nangyari?!" Tarantang tanong ni Moma habang papalapit sakin.

Nakatakip pa rin ang mukha ko sa unan. Tinatago ang ngiti ko.

Magalit kaya si Moma kapag sinabi kong may boyfriend na ako? Eeehhh....boyfriend ko na ba siya? Nag--uminit pa lalo ang pisngi ko--sabihan na ako at---puputok na talaga ang pisngi ko---nagkiss...

"May sakit ka ba? Bakit ang pula pula mo? Ang init pa ng mukha mo oh." Sabi ni Moma habang hawak ang mukha ko.

Nakagat ko ang labi ko bago tumingin sa kanya. Tinatanya kung nasa good mood ba siya o masama ang timpla.

"Mo..." Bulong ko sabay tago ulit sa unan.

Tinitigan niya ako na parang nagtataka. Bahagyang nagsalubong pa ang mga kilay niya nang hindi pa rin ako nagsasalita.

"Sabihin mo na." Hindi naman siya mukhang bad mood kasi nakangiti siya.

Dahan dahan kong inalis ang unan sa mukha ko at nakapout na nagsalita.

"Pwede na ba akong hmm...ano...hmm magboyfriend?" Nag aalangang tanong ko.

Kinabahan ako ng mawala ang ngiti niya sa mukha. Omg. Anong gagawin ko kung hindi siya pumayag? Pagpipiliin niya ba ako? Itatakwil kung hindi ko nilayuan kung sino mang kinikita ko?

"Meron na ba?" Seryosong sabi niya.

"Ahmm...oo....wala...hindi ko alam?"

"Anong hindi mo alam?"

"Hindi ko pa sure?"

"Okay."

"Soooo?"

"Okay."

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon