IMTP 1

11.2K 189 3
                                    

Suspension

"Ma'am nilagyan po niya ako ng sungay gamit ang dalawang ice cream! Hindi pa po siya nakuntento, binuhos pa po niya sakin ang basurahan!"

"Shinampoo niya po ng toothpaste yung buhok ko, binuhusan ng listerine at kinulayan ng orange!"

"Kita niyo po tong blackeye na to? At ito pa? Pati ngipin ko po nakulangan ng dalawa! Gawa niyo po ito kahit wala naman akong ginagawa sa kanya!"

"Hanggang ngayon po namumula pa rin yung buong katawan ko dahil sa mga bubuyog na nilagay niya sa damit ko. Wala akong choice kung hindi hubarin lahat ng damit ko at magtatakbo sa labas. Tinadyakan pa po niya yung hmm ano ko."

"Anong ano?" Tanong ni Miss Principal.

"Yung--"

Lahat sila natahimik at napatingin sa pintuan nang marinig nila ang pagpasok ko sa office. Particularly, Principal's Office.

"Sinong tinadyakan ko?" Taas kilay kong salubong sa mga ngayon ay hindi na makatingin sakin.

"Ulitin mo ang sinabi mo." Sabi ni Ms. P sa lalaking nasa harap niya.

Tinaas ko ang ulo ko, sinasabing sige-nga-magsalita-ka. Napalunok ang kausap ni Ms. P at yumuko. "Wala po."

"Anong wala? Kanina sinabi mo tinadyakan ka niya?" Tanong ulit sa kanya na halatang galit na. Sobrang namumula na kasi yung mukha. Baka anytime sasabog na siya. Aaaa! Ayokong makita ang mga nakatagong ahas sa ilalim ng buhok niya!

"Miss Alea."

Kaya siguro siya hindi nakapag asawa. Wrinkles and crinkles all over her face ba naman? Hay, hindi na nakakapagtaka.

"Miss Lascelles."

Kaya maraming nagsisialisan dito sa school e. Napagkakamalan siyang matandang mangkukulam hindi dahil buhaghag ang buhok niya (ang totoo wala ka ngang makikitang ni katiting na takas mula rito sa tindi ng paglalagay niya ng kung ano sa buhok niya na laging nakapusod) at may nakatagong pangil sa bibig niya kung hindi dahil sa sungay na naglalabasan sa tuwing mainit ang ulo niya. Isama mo pang palaging black ang suot niyang dress na hanggang tuhod pa. Makapal ang kilay at parang pinupog ng langgam ang bibig sa pula. Hindi na rin makita mukha niya sa laki ng itim na salamin niya. Maganda naman si Miss P e masyado lang reserved.

"MISS ALEA CHANDRIA LASCELLES!" Natauhan ako ng bigla nalang siyang sumigaw.

"Po?" I said innocently.

"Care to explain kung anong ginawa mo sa kanila." Sabay turo sa apat na taong nasa harap namin. Tinignan ko sila isa isa.

First, si Semia. Ang babaeng walang ginawa kung hindi paglaruan lahat ng batang kumakain ng ice cream at tinatapon lahat yun sa basurahan. That day ako ang magtatapon ng trash can dahil yun ang parusa ko last week, ang magtapon ng lahat ng trash ng school. Pagbuhat ko halos masuka ako dahil puro ice cream na lusaw ang loob maging ang hawakan nito. Nabulok at inuuod na! Second, si Len. Kadiri ang babaeng ito. Dinuduraan lahat ng buhok ng nakikita niya at isa ako sa naduraan niya. Nakatalikod kasi ako nun habang nakaupo. Tae. Sarap pasubsuban. Pangatlo, si Ton. Nahuli ko siyang namboboso sa ladies room. Nagkataon na namang isa ako sa mga babaeng nandun nun (kung talagang minamalas nga naman sila). Pinatikman ko nga ng kamao ko. Magkamatayan muna bago may makakita ng katawan ko. At pang huli, si Kender. Aba'y bastos na lalaki! Naghubad ba naman sa harap ko! Top lang naman. At sinabing inaalay daw niya yung sarili niya sakin. Shemas.

"I don't have anything to explain. Sino bang nagrereklamo?" Tinignan ko sila ng matalim. Walang nagsubok magsalita. Pangas nalang ang kakalaban sakin. "Miss Principal, wala naman palang nagrereklamo oh."

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon