IMTP 12

3.9K 89 2
                                    

Phone call

Alea's POV

"Huy tulungan mo na kasi ako", pilit ko habang binubuot yung mga maliliit na damong nasa tabi ko. Kanina ko pa kasi siya pinipilit. E kesyo ganito, ganyan kaya ayaw daw niya.

Nandito kami ngayon sa may garden. After ko nagpalamig sa Appree dito ako dumiretso nang malaman kong nakauwi na sila.

Kung tinatanong niyo kung saan yung Appree. Dun lang naman yun sa may mga apple tree.

Paano naging Appree?

Apple + Tree = Appree

(^O^)

"Wag mo nga ko ginagamit jan sa ga kalokohan mo. Pag ako nabukong nagsabi ng kahit ano sayo..." Nagkunwari pa siyang pinupunasan yung mga luha niya kahit wala naman. "...hindi ko alam kung makikita mo pa ako."

(-___-)

"Napaka mo naman oh."

Ganun nalang ba siya natatakot? Ni hindi man lang ako bigyan ng informasyon tungkol kay Pierre.

"Hindi mo ba talaga ako matutulungan?", tanong ko with an angelic face.

"Yan tayo Alea e."

"Pogi please...*puppy eyes*"

"Oh siya siya. Nagawa mo pang mambola. Pumapayag na ako", at naggesture siya na parang wala ng magagawa.

"Tutulungan din naman pala ako e. Aruuuyy. Hindi ako natiis. Yey!", sabay kinurot kurot ko pa siya.

Ang galing ko talaga! (^u^)

Pero bakit ganun?

Bakit tumalab sa kanya samantalang kay Pierre.... Hindi?

Nakakapanlumo naman oh.

"Ano bang meron bakit kailangan mong malaman lahat ng tungkol sa kanya?", tanong niya sakin na puno ng pagtataka.

Sasabihin ko ba?

Hmm. Sige na nga lang. Tutal tutulungan naman niya ako e. Mapagkakatiwalaan naman 'tong mokong na 'to e. Naku kaoag ito sumalungat sa akin, malalagot talaga siya ng bongga.

So ayun na nga kwinento ko na lahat ng plano ko.

"Ano?! Nababalliw ka na ba?!"

*paak*

"Makapagreact wagas? Ang sakit sa tenga ha", sabay hawak ko sa tenga kong malapit sa kanya. "Wala na akong magagawa. Kailangan kong gumawa ng paraan para makauwi na."

"Pero mali yang paraan mo Alea."

"Alam ko."

"Alam mo naman pala e. Bakit itutuloy mo pa?"

"Kasi ayoko na rito", saka ako tumingin sa malayo.

Umiling iling siya. Kita kasi ng peripheral view ko.

"Ayaw mo na rito? Sabihin mo sakin Alea kung bakit?"

Napatingin naman ako sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha niya. At alam kong ayaw niya ng kung anuman ang ginagawa ko ngayon.

"....", hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang mga tamang salitang sasabihin.

"Dahil ba sa gusto mo na talagang umuwi? O dahil sa gusto mo lang takasan kung anuman yung nandito?"

"Kung ayaw mo akong tulungan, sa iba nalang ako magtatanong", saka na ako tumayo.

Hinawakan naman niya yung kamay ko. Para bang pinapatigil ako.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon