IMTP 34.2

3.3K 95 6
                                    

Out of words

Alea's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko.

"Wakeup, sleepyhead." Pagbukas ko ng mga mata ko unang bumungad sa akin ang mukha ng nakangiting si Rain. "We're here."

Tumingin ako sa likod, wala na sila.

"Nasaan sila?" Medyo napapaos na tanong ko.

Hmm. Bakit parang may nakakalimutan ako? Parang may nakakaligtaan akong importante.

*isip isip*

"Nauna na sila sa loob."

!

Si Pierre!

Nilingon ko agad ang katabi ko. Wala na doon yung driver. Nagmadali akong bumaba sa sasakyan para hanapin siya. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung nakita ko. Siya yung driver namin!

"Oh saan ka pupunta? Dito ang---"

"Nakita mo ba si Pi--" Nakita kong kumunot ang noo niya. "S-si manong driver?"

"Bakit mo siya hinahanap?"

"Basta! Nakita mo ba siya? Nasaan na siya?"

"Tumulong siyang nagpasok ng mga gamit." Napatingin siya sa likod. "Oh yan na pala siya e."

Mabilis pa sa alas kwatrong nilingon ko ang direksyon niya.

Nagbow muna siya bago nagsalita, "Mahal na prinsipe, may iba pa ba kayong ipag uutos o kailangan?"

He's wearing the same clothes, shades and hat and everything. Pero wala akong naramdamang pagkalabog sa puso ko... hindi katulad kanina.

Parang may mali.

Lumipat naman ang tingin niya sa akin. "Princess...." Then he stoop again.

Realization hits me.

His voice.... it's different. Hindi niya kaboses yung kanina. Hindi niya kaboses si Pierre.

No way.

Was it all just a dream?

"Hot Angel? May kailangan ka ba sa kanya?" Baling sa akin ni Rain.

"H-ha?" Umiling ako. "Ah wala, wala."

"So tara na?" Nginitian niya ako.

Nagnod nalang ako.

Habang inaayos ko ang sarili ko, hindi ko napigilang magtanong. "S-si Pierre?"

Hindi ko alam kung napuwing lang ba ako o ano pero parang may nakita akong lungkot sa mga mata ni Rain bago niya ito pinalitan ng masayang ngiti.

"Wala pa."

Kumunot ang noo ko. "Anong wala pa?" Wag mo sabihing magkasama na naman sila ni Cleopatra at ngayon ay kung saan sila nagpunta!

"Nagsarili ang mokong. Ginamit niya yung sarili niyang sasakyan. Halos mabaliw nga raw si Cleofe kanina ng pagpasok niya sa sasakyan wala si Pierre." Natatawang sabi niya. Lumipat ang tingin niya sa likod ko. "Speaking of the devil..."

Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang kakapark lang na sasakyan ni Pierre.

Hinintay ko siyang bumaba at halos mawalan ako ng hininga ng kasabay ng paglabas niya ay ang pag ihip ng malakas na hangin na nagpagulo sa buhok niya at dahilan para mas magmukha pa siyang hooot.

Nakasuot siya ng shades na nagpaemphasize pa lalo sa matangos niyang ilong. Nakafit siya na shirt na nakabukas ang dalawang butones sa taas, pinatungan niya pa to ng black leather jacket at denim pants na mas nagpalitaw ng 6 pack-- Oh my. Masama bang pagnasahan ang oh-so-yummy--- what the?! Ano ba tong pinag iisip ko. Nagiging perv na talaga ako!

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon