IMTP 10

4.9K 112 3
                                    

Confused

Marsus' POV

"Ganun nga po ang nangyari Mahal na Hari."

Katatapos ko lang ikuwento sa mahal na hari ang nangyari kina Pierre at Alea.

"Malaking problema nga ito." sabay hawak sa baba niya para bang nag-iisip ang dating.

Wala na kasi akong maisip pa para magkaayos yung dalawa. Baka kapag tumagal pa 'to e maapektuhan pa silang dalawa sa nalalapit na competition lalo na 'tong si Alea. Ayoko namang mangyari yun.

"Mahal na hari ipagpaumanhin niyo po ang aking kapangahasan pero may naisip po kasi akong magandang plano para sa dalawa." Actually kagabi ko pa 'to pinagpaplanuhan e. Ako pa!

"Sige sabihin mo sakin" at binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti

"Ganito po yun"

Clou's POV

Nakakapagtaka naman 'tong si Marsus. Bakit naman kaya biglaan siyang nagkasakit e kaninang umaga parang ang sigla sigla niya. Hmm.

Papunta ako ngayon sa kwarto ni Alea. Dahil nga sa may sakit daw si Marsus, nakiusap siya sa aking ako nalang daw ang magsabi kay Alea kung tungkol saan ang first quest.

"Alea?"

"Alea? Gising ka na ba? Papasok na ako ha..."

Dahan dahan kong binuksan yung pinto niya at ayun nakita ko siyang balot na balot pa ng kumot niya.

"Alea gumising ka naaaa. May dapat kang malaman." sabi ko sabay alog sa kanya.

Alea's POV

Bakit ba magmula ng dumating ako dito sa palasyong 'to wala na akong matinong tulog? Puro mga problema nalang na dapat pagpuyatan, kakaisip ng solusyon sa lahat ng 'to. Arrgh. Naguguluhan na ako!

Narinig kong may kumatok.

Sino naman kaya yun? Ang aga pa ah. Hmm. Mukhang si Marsus na naman 'to. Manggugulo na naman. Hayyy.

"Alea? Gising ka na ba? Papasok na ako ha..."

Rinig kong sabi niya habang papasok ng kwaryo. Hmmm. Parang pamilyar yung boses ahhh...

"Alea gumising ka naaaa. May dapat kang malaman."

Tinanggal ko naman yung kumot na nakatakip sa mukha ko para makita kung sino yung nandito.

"Oh ikaw pala Clou. Morning..." nginitian ko siya.

"Good Afternoon na po Miss Alea...."

"Ano!?" napabangon tuloy ako bigla. Hindi ko pa natatawagan ni Moma eee. Ilang araw na din. Baka magtampo na siya sa akin pati sila Chad at Cass.

Tinignan ko yung orasan.

8:23A.M.

"Joke lang."

Ang tulog ko. Ang kakarampot na tulog ko. Nakakapanlumo naman.

"Pasensya ka na Alea. May kailangan kasi akong sabihin e at importanteng importanteng 'to." seryosong sabi niya

"Tungkol ba saan yan?"

"It's about our first quest." sabay hawak ng kamay ko. "We are going to COOK!"

Cook?

"NASAAN na ba tayo Clou? Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Clou habang tumitingin tingin sa paligid. Ngayon ko lang kasi nakita 'tong lugar na 'to e.

Ang luwang ng kwartong 'to tapos ang dami pang upuan. Sa may harap niya, may parang isang stage dun tapos may dalawang upuan sa gitna.

"Clou?"

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon