IMTP 59

2.7K 75 12
                                    

Forgotten memories

Alea's POV

Nagising ako sa tinig ng isang babae. She was humming with so much emotion. Lungkot, pait, sakit, nararamdaman ko sa bawat pag iba ng tono niya. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero agad akong nahilo. Ang sama ng pakiramdam ko na para bang kagagaling ko sa trangkaso.

Inalala ko kung anong nangyari bago ako nakaramdam ng ganito.

Kwarto.

Diary.

Babae.

Chloroform.

Nawalan ako ng malay.

Kaya ako nawalan ng malay ay dahil sa may nagtakip ng bibig ko na may Chloroform! Hindi ako pwedeng magkamali dahil napag aralan namin ito!

Dali kong ginalaw ang mga kamay ko. Parang may kung anong nakatali sa mga ito. Buong lakas na minulat ko ang mga mata ko at kulang nalang mabulag ako. Unang bumungad sakin ang liwanag mula sa bintanang nakabukas sa harap ko. Nakakasilaw kahit na mukhang hapon na. Tumigil sa pagkanta ang taong nasa harap ko. Hindi ko siya makita ng maayos dahil nasa likod lang niya ang bintana.

"You're awake, my dear princess." Pagkasabi niya nun ay gumalaw siya at tumayo. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba.

"W-ho are you?" Ginalaw ko ulit ang mga kamay ko pero wala. Pagtingin ko tama nga ako. Nakatali ang mga ito sa isang kulay ginto na upuan maging ang mga paa ko. Tinignan ko ang paligid. Dumoble ang pagkabalisa ko. Puro mga diamante, ginto at mga mamahaling gamit ang nakikita ko. Wala rin akong makitang ibang tao maliban samin. "Where am I? What am I doing here?"

"I'd love to be called your Mom. But unfortunately I am not." Nabalik ko agad ang tingin ko sa kanya pagkasabi palang niya ng salitang 'Mom'. Unti unting luminaw ang paningin ko. Nahugot ko ang hininga ko ng makilala siya. "You've grown so well. After hmm how many years? Nine? Ten? I don't know. I'm glad I finally had the chance to see you personally again. I missed you."

Siya. Siya nga. Naaalala ko na. Siya yung babaeng huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.

"Miss Mercedes?"

"Miss Mercedes?" Ulit niya sa sinabi ko habang tumatawa ng malakas. Malademonyo na bitch ang dating. "Hindi mo pa rin pala kinikilala ang sarili bilang anak ng kapatid ko." Ngumiti siya sakin. Kahit hindi ko siya ganun kilala alam kong hindi totoo ang pinapakita niya. "Stop the drama. You don't need to act, my precious niece, that you don't want any of this. I know your type. And it's pathetic."

Binaliwala ko ang pait sa bawat salitang binigkas niya. Wala siyang alam. Hindi niya alam kung anong nararamdaman ko. Wala siya sa lugar para pagsalitaan ako ng mga ganito. Pasalamat siya't pinalaki akong gumagalang sa mas nakakatanda sakin dahil kung sakali man ay baka kung anong nasabi ko na sa kanya.

"Ano po bang kailangan mo sakin? Bakit mo po ako dinala rito? Pwede po bang pakawalan niyo ako?" Buong pagtitimping sabi ko.

"Ops. Sorry, my dear, but I can't help you with that."

"Alam ba ito ni Cleofe?" Kung pwede ko lang takpan ang bibig ko ay sana ginawa ko na.

Tumaas ang gilid ng labi niya. "Oh my lovely daughter. Alam mo na pala ang lihim naming dalawa."

Nakagat ko ang labi ko. Gusto kong magtanong. Marami akong gustong malaman. Bakit niya ipinagkatiwala (ipinamigay) si Cleofe? Alam ba ito ni Manong Henry?

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon