IMTP 43

3.4K 100 3
                                    

Gift

Alea's POV

"Alea, bakit basa pa yang buhok mo?!" Clou sabay kuha ng hair dryer. "Magnifico, where are you!"

"Alea, matatanggal yang make up mo!" Napafacepalm na si Mandy habang tinitignan mo sa salamin.

"Alea, nasaang lupalop ang sapatos mo?!" Aligagang tanong naman ni Cass.

"Anong mas bagay sa kanya, white or black? Gold, diamond, or pearls? What do you think?" Tanong ni Gary na halos pinuno na ata ang kama ko ng mga set ng jewelries.

"I'll go for pearls nalang." Clou

"Which one?" Gary

"Yung ikalima sa may taas."

"Ano ba kayo. Diamonds are girl's best friends so... Yung dapat nasa middle." Singit naman ni Cass.

"Naah... Pearls are better."

"Diamonds kaya!"

"Pearls."

"Diamond."

"Alea, ikaw anong mas gusto mo?" Baling sakin ni Gary.

"Kahit ano nalang." Maikling sagot ko. Kahit ano naman kasi talaga okay lang sakin e. Sa dami ng pagpipilian ko, sakit lang ng ulo aabutin ko dyan.

"Gold nalang! Tutal this event is for royalties, mas may class kapag gold." Ngayon naman si Mandy.

"No. Diamonds it is."

"Gold is better."

"Pearls!"

"Gold!"

"Diamond!"

(-______-)

"Why don't we ask Liz?" Binalingan nila si Liz na abalang nagbabasa lang ng libro sa may bintana ko.

Ramdam kong uminit ang pisngi ko. Naalala ko yung nangyari kagabi.

"Liz?"

"Sunny yellow gown, light make up, messy bun hair, silver stilettos...hmm...just a pair of pearl earnings will do."

Napahinga ako ng maluwang sa sinabi niya. Buti nalang nandito si Liz kundi naku malamang pinasukat na ng mga babaeng to sakin ang halos 30 sets ng alahas na pinag aawayan nila. Isang set nito malamang tumataginting libo o kaya umaabot pa ng million. My goodness. Kaya na akong buhayin buhayin nito hanggang sa mamatay ako kahit wala akong ginagawa. Ganito nga siguro kapag mayayaman. Kung sakin kanina halos lumuwa na mga mata ko sa mga pinagpapasok nila sa kwarto ko, sa kanila ordinaryo lang lahat ng ito. Wala e. Hindi naman ako pinanganak na may golden spoon sa bunganga at kulay asul na dugo.

"AAAAAHHH!" Hindi ko na napigilan mapasigaw.

"Oh my gosh. I don't wanna see this."

"Me too."

"Condolence."

"Tiis lang friend ha."

"See yah latur, big sister!"

At ayun kumaripas nang tumakbo sila Mandy, Clou, Liz, Cass, at Gary. Kung tatanungin niyo ako kung nakaayos na sila, well hindi pa. Pumunta lang daw sila rito para tulungan ako at dahil sa concern sila sakin. Kahit ang totoo niyan wala lang silang tiwala sakin. Knowing me, baka magsuot lang daw ako ng tshirt at pants. Mga kaibigan ko nga sila. (-_-)

"Tama na---AAAAAHHH!" Napadaing na naman ako sa paghigpit ng bustier sa tiyan ko. Alam niyo yun? Yung nilalagay para magkashape bago isuot ang gown. Grabe. Hindi ko alam na uso pa pala ang ganun sa ganitong kamodernize na na mundo. Pang 80s pa yun e. Namumutla na ako dahil sa hindi na ako makahinga. Ni hindi na nga ako makagalaw e. Ikaw ba naman may nakahawak na dalawang maid sa magkabilang braso mo tapos hindi pa rin tumitigil sa pagpapahigpit yung babaeng nasa likod ko.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon