IMTP 48

2.7K 92 17
                                    

Stay

Alea's POV

Umaga na ng makatulog ako. Napag isip isip kong hindi pwedeng tumakbo nalang sa bagay na hindi naman matatakasan.

I cared too much. I hoped too much. I assumed too much. I loved...love too much. And in the end I didn't know it can also hurt me too so much.

I need to block the memories, live with the pain, face reality, and move forward. Yes, I love him. But now, there's no point of bringing back the past. It will only widen the hole in my heart and I can't let that happen. Kailangan kong ibalik ang nawalang ako. Alam kong mahirap pero ano nga bang silbi ng utak? I must use mine to stop the pain even if I know it's impossible.

Maybe this is just phase, a lesson to learn, that I can't beg someone to love me back and I just need to accept the fact that love isn't always fair.I am a woman (not totally) after all. Strong enough to stand up.

"Lea, my labs, ito oh adobo at sinigang. May darating pa mamaya na kare kare, inihaw na bangus at crispy pata. Kumain ka na habang mainit pa. Gusto mo hipan ko? Subuan nalang kaya kita."

"Tumabi ka nga dyan. Kanina pa ako nakabili ng para samin. Here, Hot Angel. Try this lemon butter fish fillet, pork spareribs barbecue, and of course the best garlic shrimp scampi in town. I just discovered it yesterday. You'll love it."

"Hindi naman kumakain ng ganyan si my Labs. Lutong pinoy ang panlasa niya."

"Tigilan mo ngang pagtawag sa kanya ng my Labs. My Hot Angel isn't a LABSter!"

"Wag mo nga siyang maangkin angkin! Apat na taon ko na siyang tinatawag ng 'my labs' kaya pwede ba mind your own biz, man."

Napabuntong hininga nalang ako habang pinapanuod ang dalawang nagbabangayan sa harap ko. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanila. Parang kanina sabay silang pumunta sa bahay tapos kung anu ano na namang pinagsasabi nila. Mga simpleng bagay na nagiging malaking away. Hay. Hindi na nga nila napapansin na nilalantakan na nina Chad at Cass yung mga dala nila. Pansin ko hindi ako kinakausap nitong dalawang takaw. Para silang umiiwas sakin na ewan. Baka dahil to sa kagabi. Siguradong napanuod nila ng buo yung balita. Kung bakit siya finifeature? Hindi ko alam. Siguro kasi binobroadcast na ang ahm kasal niya.

Don't care.

(.>>)

(<<.)

(TnT)

Gusto ko ng mamatay.

Hirap na itinuon ko nalang ang tingin ko kay Rain. Kapag tinatanong ko kung anong ginagawa niya rito sa Pilipinas ang tanging sinasagot niya lang ay ngisi. Ang kaso iba yung nakita ko kanina nung sinundo niya ako para siyang galit at naiinis pero pagkakita naman niya sakin ngumiti ulit siya. Hindi ko nga alam kung bakit pinapayagang pumasok si Rain sa loob ng campus kahit hindi naman siya estudyante. Masyado na silang advance para magsit in pa siya. Hmm.

Nagulat nalang ako ng may mag abot sakin ng square na box. Kumunot ang noo ko pagtingin ko kung kanino galing. Matangkad, moreno, nakapolo shirt ng itim, shorts at bonnet. Ngayon ko lang siya nakita pero parang pamilyar ang mukha niya.

"Para sakin ba to?" Tanong ko.

Nginitian niya at tumango. Ramdam ko ang matalas na tingin ng dalawang pares ng mata sa direksyon ko.

Tinignan ko ang inabot niya. Libre kaya to? Hindi ko naman siya kilala bakit niya ako bibigyan ng ganito?

Magpapasalamat na sana ako ng bigla nalang siyang nawala. Tinignan ko si Chad, walang pake. Si Cass, busy sa pagnguya. Si Jeff, nakapangalumbaba at nakasimangot habang pinapanuod si Cass na sarap na sarap sa dala niya. Si Rain naman hmm ang sama ng tingin niya sa hawak kong box. Siguro may hangover pa sa isip batang alitan nila ni Jeff.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon