IMTP 46

2.6K 85 8
                                    

Please

Alea's POV

"Pierre, let's talk." Makaawa ko habang hinahabol siya palabas ng dining room. Buong araw ko siyang hinanap, buong araw ko rin siyang hindi nakita. Tinetext ko siya pero hindi naman sumasagot. Kaya naman ngayon gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung anong nagawa ko para iwasan niya ako. Gusto kong intindihin kung ano mang paliwanag ang meron siya kaya't pinapaalis niya ako.

"Not now." Malamig na sabi niya. Hindi pa rin siya humihinto sa kakalakad hanggang nakarating na kami sa tapat ng kwarto niya.

"Pierre naman!" Sigaw ko. Kita ko mula sa gilid ng mata ko na natigilan ang mga servants sa ginagawa nila at napatingin na samin pero wala akong pakialam. "PIERRE ANO BA! TUMIGIL KA NGA!"

Galit na hinarap niya ako. "What?"

"Mag usap tayo."

"Ano pa bang ginagawa natin?" Pabalang na sabi niga.

"Pierre..."

"ANO?!"

Huminga ako ng malalim at nagkunwaring hindi naapektuhan sa sigaw niya.

"Bakit ka ba nagkakaganito? Bakit ang lamig ng turing mo sakin? Bakit gusto mo akong umalis? Ano bang nagyayari sayo?"

Napapikit siya ng mariin na para bang nagpipigil ng pagsabog niya. Pagmulat niya bakas na ang lamig at irita sa mukha niya.

"Sinabi ko na nga hindi ba? Tss! Gusto kitang umalis. Gusto kitang mawala. Mahirap bang intindihin yun?"

Binalewala ko ang kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko at nagpatuloy sa sasabihin ko.

"Hindi totoo yan. Alam kong may ibang dahilan. Sinasabi mo lang yan para saktan ako. Sige na naman, Pierre, s-sabihin mo na sakin ang dahilan ng lahat ng to." Basag na ang boses ko at alam kong walang tigil na rin ang tulo ng luha sa mga mata ko.

"Fuck! Pwede ba wag kang umiyak sa harap ko? Akala ko ba matalino ka? Bakit ang hirap sayong ipasok sa kukote mo lahat ng sinasabi ko? Tss! Ito na nga bang sinasabi ko. Pinakitaan lang kita ng konting kabaitan ang buong akala mo gusto na kita. I should know better. You're one of those girls who couldn't stop daydreaming shits and keep on pushing themselves on things they can't have. Seriously? Hindi ko alam na napakababaw mo pala, Miss Lascelles."

Kabaitan? Kabaitan lang ba ang tawag dun?

"N-no, hindi ako ganun."

"Then what? Are you some of kind of gold digger now? Magkano ba ang gusto mo ng tumigil ka na diyan sa kadramahan mo? Hindi pa ba sapat na pinatira kita rito sa palasyo, pinaranas mamuhay katulad ng prinsesa at pinatikim ng mga bagay na kahit kailan sa buhay mo alam mong hindi mo---"

I heard a loud gasped as my palm landed on his cheek.

When I realized what have I done my eyes immediately went wide and panick slowly crept in my body. Anong ginawa ko?!

"I-I didn't m-mean to. Pierre, I'm s-sorry. I shouldn't have--oh my god I'm sorry--"

"Stop." Sabi niya pagkatapos hawakan ang pisngi niya. "Kung hindi ka katulad lahat ng sinabi ko bakit hanggang ngayon nandito ka pa rin sa harap ko?" Matulis na ang tingin niya sakin na para bang anytime malulusaw ako.

"Mahal kita..."

Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko base na rin sa gulat na reaksyon niya.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon