IMTP 3.2

4.9K 133 1
                                    

Teddy

*Ladies and gentlemen, welcome to London Heathrow International Airport. We'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice stay!*

Dilat na dilat ako habang nakatingin sa ngayo'y papababa nang sakay naming eroplano. Grabe! Hindi ko akalaing makakasakay ako sa ganito at makikita ko ang papawirin ng ganun kalapit! Iba ibang grupo ng ibon, mga ulap na para bang cotton candy na ang sarap kainin, para akong anghel na lumilipad ng walang pakpak! Hindi pa kami nakakalapag pero sulit na sulit na ako sa lahat ng nakita ko. Halos hindi ako nakatulog sa buong byahe.

Habang naglalakad na dala ang mga bagahe ko may kaunting lungkot akong naramdaman ng makita ang mga naghihintay na kapamilyang may hawak ng mga papel kung saan nakasulat ang pangalan ng mga sinusundo nila. Sana kasama ko sila Moma.

Napahinto ako ng may lumitaw na lalaki sa harap ko. Malaki ang katawan niya at nakasuot siya ng pormal--polo, itim na kurbata, coat, at pants--at nakashades pa. Tumingin ako sa paligid kung baka hindi naman talaga ako ang tinitignan niya pero wala naman akong makitang malapit sakin o papunta sa direksyon ko.

"Miss Alea Chandria Lascelles?" Tanong niya na kinagulat ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Yes? May I help you?" Nag aalangang sagot ko.

"Please follow me." Maikling sabi niya bago tumalikod na at naglakad papunta sa isang kulay itim na kotse.

Kumunot ang noo ko. Siya siguro ang pinadala ng agency para sunduin ako. Nagkibit balikat nalang ako at sumunod na. Huwag siyang magkakamaling scam at hindi niya alam kung sino ang kaharap niya.

Nang nasa byahe ay nawala na ang atensyon ko sa lalaking sumundo sakin. Sa halip ay napukaw ang tingin ko sa ganda ng mga dinaraanan namin. Woah. Hindi ko akalain na makakakita ako ng mga ganitong naglalakihang mga gusali. Maging yung mga puno ibang iba. Kung sa Pilipinas kadalasan ay mga mahogany, dito amoy imported ang mga puno (if you know what I mean).

"Can I open the window?" Tanong ko kay manong driver na tumango lang naman.

Napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang malamig na ihip ng hangin. Nakakatuwang isipin na nakikita ko ngayon ang mga ito ng libre. Napakaswerte ko lang talaga sa radio contest na yun. Hanggang ngayon hindi pa rin kapanipaniwala ang lahat ng nangyayari sa akin. Parang kelan lang nasa school pa ako at nakikipagharutan kila Chad at Cass, pagkatapos ay uuwi at hihintayin ang pagdating ni Moma. Ngayon, ibang hangin na ang nalalanghap ko, ilang kilometro na ang layo ko sa kanila.

Hinigpitan ko ang jacket na suot ko. Nakaputing shirt lang ako sa loob, jeans at rubber shoes. Minaliit ko ata ang klima rito. Sabi ko nga sa inyo kahit kaunting lamig lang, naninigas na ako. Mukhang kailangan kong bumili ng makakapal na jacket at scarf pagdating ko sa hotel. Mabuti nalang binigyan ako ng pera ni Mo. Hay.

Naalala kong magtetext nga pala ako sa kanila pagdating ko. Baka nag aalala na yung mga yun.

| Moma <3

Nakarating na po ako dito sa England. Grabe, Mo. Hindi ka maniniwala sa ganda ng mga lugar na nadadaanan ko ngayon. Yun nga lang medyo nakakalungkot, hindi ko kasi kayo kasama. Sana nandito kayo. Oh sige, Mo, babye na muna. Itetext ulit kita kapag nakarating na ako sa hotel. I love you! :) |

Sinunod ko naman sila Chad at Cass.

| Chad; Cass

Hey I just arrived. Nakakapagod ang byahe pero sobrang worth it! Ang ganda rito! Excited na akong makita yung hotel na tutuluyan ko. Sumunod kaya kayo rito? Wag na kayong pumasok. Haha! Wag niyong pababayaan si Mo ha. Mag ingat kayo palagi. Gonna miss you guys. xoxo |

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon