IMTP 11

4.3K 104 4
                                    

Rejected

Alea's POV

*blink blink*

Umaga na. Panibagong araw na naman ang kailangan kong tiisin dito sa palasyo.
Ilang araw na ba ako rito?
Lima? Anim? Isang linggo? Hindi ko na alam.
Lumipas ang umaga at gabi ng wala akong ibang ginawa kundi gumising, kumain, matulog (kahit hindi naman ako nakakatulog)
Magmula nung napunta ako rito, walang gabi na hindi ako napupuyat, walang umaga na hindi ako nagtatanong. Nagtatanong kung ano na naman kaya ang mga mangyayari sa akin ngayon, bukas at sa mga susunod pang bukas. Yun ay kung meron pa. (-_-)

Kaya naman ngayon napagdesisyonan kong lutasin na lahat ng bumabagabag sa akin. At alam niyo na kung ano yun.

---

Natapos ko nang gawin lahat lahat ng rituals ko, nagawa ko na ring puntahan lahat ng pupuntahan ko, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makita. Tss.

Nasaan na kaya yung taong yun? Kanina pa ako paikot ikot dito sa loob ng palasyo ah. Tsk. Kung sabagay paano naman kami magkikita dito sa loob e ang laki laki kaya nito. Malamang pwede kaming magkasalisihan dito. Err.

Tinatanong niyo ba kung bakit hinahanap ko siya?

Simple lang naman.

May naisip na kasi akong plano para maitama at maisaayoos na 'tong buhay ko. In other words may naisip na akong paraan para mas madali akong mapaalis dito sa palasyo.

WI-HI-HI-HI *evil laugh*

Kahit sa butas ng karayom papasukin ko para lang makita siya at masagawa ko na yung binabalak ko.

After 30 mins.

Walanjo. Hindi ko parin siya nakikita. Tsk. Asar naman oh. Nakakapod mahanap ng isang taong ayaw naman magpahanap.

Akala niya ba gusto ko 'tong ginagawa ko? Aba hindi kaya. Sobrang hirap.

Nakakulong maghapon sa loob ng kwarto at naghihintay lang na may tumawag sayo ng "Princess, the breakfast/lunch/dinner is ready!"

Nakakabagot. Super!

Nga pala. Kung nagtataka kayo kung nasaan yung mga kasama ko rito sa palasyo....

Ay naku wag na kayong magtaka. Haha.

Free day namin ngayon. Kumbaga sa school, walang pasok. Kaya naman ayun pumunta sila sa mga lugar na hindi ko alam kung saan.

Si Marsus?

Dahil sa siya ang kanang kamay ng hari, siya rin ang tagapangalaga ng kaligtasan ng ating mga prinsesa kaya naman malamang sumama rin siya.

Hayyy. Kawawang Marsus... Ginawang baby sitter ng mga spoiled brat na mga prinsesa. Well except sina Clou at Liz. They are my friends and I know they are not like the others.

Kung kawawa si Mars... edi mas kawawa naman ako.

Naiwanan ako ritong mag-isa at nalulumbay. :(

Kidding! Hahaha. Masaya nga yun e. Solong solo ko itong palasyo.

Ibig sabihin... Ako ang may-ari nito for the rest of the day! Party! Party! Wahaha.

Teka nga. Diba sinabi kong umalis sila?

Ay ang tanga mo Alea! Bakit di mo naisip na kasama rin sa mga umalis yung hinahanap mo? Malamang sasama yun kasi nga diba siya ang future king dito at kailangan niyang kilalanin ang mga prinsesang errr... Malayong mas maganda naman ako sa mga yun e.

Bakit di nalang ako?

.

.

.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon