IMTP 40.2

3.8K 98 2
                                    

Bell flower

Alea's POV

Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang tagong field na maraming puno. May hawig sila nung pinaggogolf-an ni Pierre. Ang pinagkaiba nga lang doon may mga bako bako, dito patag na patag yung ground. Ang ganda dito. Nakakagaan ng pakiramdam.

Hinila niya ako papunta sa may gilid, sa ilalim ng malaking puno. Napangiti nalang ako ng madatnan namin ang nakalatag na na picnic blanket laman ang maraming basket. Sa totoo lang puro basket na nga ata umoccupy dun e. Napatingin ako sa kanya kahit likod lang naman ang kita ko (hila niya ako remember?) Hindi naman niya pinaghandaan ito no?

Binitawan na niya ang kamay ko nang maupo na kami dun. Nag umpisa na siyang ilabas yung mga laman ng basket. (O.o) Ang daming pagkain tulad ng adobo, sinigang, puro lutong Pinoy at prutas tapos iba iba rin ang inumin. Natakam agad ako. Pero teka....

"May hinihintay pa ba tayong kasama?" Tumingin tingin ako sa paligid.

Tumingin naman siya sakin na parang nagtataka. "Wala. Bakit?"

Ako naman ngayon ang nagtaka. "So tayong dalawa lang?"

"May iba pa bang tao rito?"

"E bakit ang daming pagkain?"

Sinaman niya ako ng tingin.

*pout*

"Kumain ka nalang."

"Kung kaya tawagin mo yung mga bodyguards mo? Siguradong gutom na rin sila."

Hindi na siya nagsalita. Sigurado naman silence means yes diba?

"Mga kuyang nakaitim yohoooo! Kumain muna kayo rito!" Sigaw ko sa paligid. Malay ko ba kung nasaan sila?

"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong niya.

"Tinatawag ko sila kuyang bodyguards mo. Hindi ba obvious?"

Napabuntong hininga siya bago inilabas ang phone niya at may tinawagan. "I need all of you. Now."

*puff!*

Aatakihin ako sa puno dahil sa mga taong ito e. Bigla bigla ba namang basta nalang nasa harap namin. Phew. Are they some kind of ninjas? Idol siguro nila ang Naruto. Walastok kung makaappear at disappear.

Nasa harap lang namin sila at walang nagalaw.

"Aahm... Mga kuya, kain?" Hindi nila ako pinansin. Nakatayo lang sila run na parang walang narinig. Binalingan ko si Pierre. "Uy ano na?"

Bugnot siyang tinignan ako. "Max, sabayan niyo na kami."

"But, Prince..."

"Wala ng pero pero. Maupo na kayo at kumain."

Ang laki ng ngiti ko ng kahit na may pag aalinlangan sila nung una, sumunod din naman sila. Nakaindian sit silang lahat at nahihirapan ako sa kanila kasi naman hindi man lang sila yumuyuko, straight lang mga likod nila.

Mukhang kailangan ko ng powers ni superAlea.

Minutes later...

"Talaga?"

"Oh?"

"Hahahaha! Grabe!"

Kanina pa kasi sila nagkukwento ng mga kung anu ano. Okay din pala sila e. Mga kwela. Haha. Akala ko nga nung una mahihirapan ako yun naman pala hindi. Ang tanging ginawa ko lang ay batuhin sa noo si Pierre at ayun nagsitawanan na sila. Kung bakit ko binato si Pierre? Kasi naman ayaw niya akong tulungan na palambutin sila kuyang nakaitim.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon