IMTP 26

3.8K 82 3
                                    

Bruise

Alea's POV

Papunta na naman ako ngayon sa kwarto ni Pierre para dalhan siya ng coffee. Sabi kasi ni Aling Martha kada umaga raw bago siya magbreakfast umiinum muna siya ng kape. E sakto namang nasa kusina ako kaninang papahanda na siya kaya naman ako nalang ang gumawa para sa kanya with matching express delivery pa. Haha.

Malapit na ako sa may kwarto niya ng may makasalubong akong epal.

"Good morning!" Nakangiting bati niya sakin.

Nilagpasan ko lang siya.

Pero bago pa ako makadaan, kinuha na niya yung dala kong kape.

"Para sakin ba ito?" Sabay taas niya nung mug.

"Papansin ka ba? Hindi para sayo yan!" Pilit kong kinuha sa kanya pero nilayo lang niya.

"Kanino ba dapat?" Sabay ihip sa hawak niya.

Takte. Wag mo sabihing iinum niya yan. Kasi kung oo-

"Arrgh! Sino nagsabing pwede mong inumin yan? Ha?! Sinabi ko na ngang hindi para sayo yan!" Ang walanya, ininuman na nga ng tuluyan.

Pinaghirapan ko yun e. Siya lang pala iinum!

ARRRGGH! Letchugas na lalaking to.

"Pano ba yan? Nainuman ko na..." Sabi niya at uminum ulit. "Hmm... ito na siguro ang pinakamasarap na kapeng natikman ko." Sabi niya with matching wink pa.

Tae. Sarap supalpalan.

At anong sabi niya? Pinakamasarap?

"Ako ba pinagloloko mo?"

"Of course not. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na kape sa buong buhay ko. Hmm. At ang swerte ko naman... ikaw pa ang may gawa."

Nagcrossed arms ako at nginitian siya ng pagkatamis tamis na sa sobrang tamis dinadasal ko na sana magkaroon siya ng diabetes. "Masarap ba talaga?" Malambing na sabi ko.

Mukhang nakuha ko ang atensyon niya kasi napangiti siya. "Yes."

"Gusto mong araw arawin uminum ng ganyan?"

Mas lumaki yung ngiti niya. "Oo naman."

Binaba ko yung mga kamay ko and looked at him directly in the eyes. "Pumunta ka ng palengke, bumili ka ng 3 in 1." Sabi ko saka tumalikod na at naglakad.

Gaguhan tayo? Pinakamasarap? Ngayon lang nakatikim? Tss. Hindi man lang niya napagtantong 3 in 1 lang yun.

Hindi naman kasi ako marunong magtimpla ng kape. Gatas pwede pa siguro. Pero kape? Err. Never pa. Kaya naman kanina ang ginawa ko, kumuha ako ng coffee late na 3 in 1 at yun ang tinimpla ko.

Wala na tuloy akong idadala pa kay Pierre dahil kinuha na ng epal. Sabihin ko nalang kay Aling Martha.

Nakaupo kami ni Mars dito sa may garden at wala kong ibang ginawa kung hindi maglabas ng hinanakit sa isang epal na walang hiya sa katawan.

"Nakakaasar talaga yang Rain na yan!" Sigaw ko habang namamato ng kung anu ano sa hangin. Arrgh. Sarap ipalamon sa lupa.

Tinaasan ko siya ng kilay nung out of the blue iclear niya yung lalamunan niya."'Nakakaasar si Rain', 'nakakaasar yang Rain na yan', 'asar talaga yang si Rain', 'nakakaasar talaga yang Rain na yan'." Aba't ang gago ginaya ako. "Yung totoo, Alea? Asar lang ba ang alam mong word? Pwedeng palitan mo naman? Nakakagago e."

*pak*

"Nakakagago pala ha."

"Haha. Biro lang."

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon