IMTP 53.2

2.5K 75 5
                                    

Eighth

Alea's POV

OH MY...

BAKIT BIGLANG BUMAGAL ANG INTERNET?!

Ano ba naman!

Reklamo ka pa dyan e ikaw na nga nakikigamit--or should I say nakikihacked ng wifi ng kapitbahay.

Whatever! Kailangan ko ng mabilis na net ngayon!

Loading...

99%

99%

99%

Grabe. Sarap ibalibag ng mga ganito sa totoo lang.

At kung sinuswerte ka nga naman ang dami pang introduction! Hindi nalang sana diniretso. Dun rin naman pupunta, ang dami pang paliko liko. Akala mo essay tungkol sa buhay ng mga bayani, hindi naman. Tss.

Sooo...

100%

Sa wakas ito na!

Naningkit ang mga mata ko sa nabasa.

Saying the three magical words most often told by everyone may not do much for your beau. Remember, 'Action speaks louder'. Here are 8 things your man would truly appreciate and love:

(O////O)

Nagkarambola ang dragon sa tiyan ko habang titig na titig ako sa screen. *gulp*

Seryoso ba lahat ng to?

Ayaw mo siyang mawala sayo diba? Aarte pa, gawin mo na!

Huminga ako ng malalim bago nagdesisyong tumayo. Tama ka, konsensya. Sa ngalan ng pag ibig... kakayanin!

Tinignan ko ulit ang una sa listahan.

Wear that dress he loves you in.

Hmmmmmmmmmm....

Kung tama ang pagkakaalala ko, sinabihan niya ako ng maganda nung kagigising ko at nakapantulog pa ako.

Ekk. Hindi ata magandang ideya yun. Magsusuot ako ng pjs sa unang araw namin? Baka naman maturn off agad siya sakin nun.

Next na sinabihan niya ako ay nung hmm... Aha! Nung ball!

Errr. Nandito lang kami sa bahay tapos maggagown ako? Who in the world would do such thing?

Ako. Tss. Ang problema wala rito yung damit, nasa England. Diba nga iniwan ko lahat dun. At isa pang problema ay baka isipin lang niya na nasisiraan na ako ng bait. Psh. Baka iwanan niya ako. No way. Hmp.

Hayyy. Wala akong ibang choice kung hindi tanungin siya mismo. Ano ba naman yan.

Binuksan ko ang pinto. Yung saktong ulo lang makikita niya. Tinakpan ko pa ng buhok ko ang mukha ko para hindi niya makita ang nangangamatis na naman na mukhako.

"Pssst"

Walang sumagot.

Hinawi ko konti ang buhok sa isang mata ko ng masilip ko siya. *blink blink* Ang muscles niya nagfeflex sa fitted white polo shirt niya habang panay ang patak ng pawis mula sa mukha niya. *gulp* Kelan pa naging ganito katulo laway ang nagbubuhat ng mesa? Naman.

Erase, erase. Pervy mode off muna. Girlfriend aheeem girlfriend duties ang unahin.

"Pssssssst!" Tawag ko ulit. At buti naman nagawa rin akong linungin ng macho gwapito kong prinsipe.

He looked shock at first when he saw me then wala pang isang minuto he frowned.

"Tinatakot mo ba ako?"

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon