IMTP 3

6.5K 133 6
                                    

Goodbye

Nakapikit pa ako ng kinuha ko ang phone kong nakapatong sa mesa sa gilid ng kama. Naniningkit ang mata kong tinignan ang oras. Alas kwatro na ng umaga. Isinubsob ko muli ang mukha ko sa unan at...tumili! Buong gabi ata akong hindi nakatulog sa kakahintay na mag umaga. Aaaah! Hindi niyo naman ako masisisi dahil unang--at mukhang huling--beses ko itong aalis at sa ibang bansa pa!

Napaupo ako at natahimik. Ang saya ko sa lagay na ito samantalang aalis na nga ako at heto na din last day ko dito. Paano na kaya si Momma kapag wala ako? Sino na lang ang kasama niya dito sa bahay? Sino na lang magiging bantay dito sa bahay kapag umaalis siya? Sino na lang makakausap niya kapag umalis na ako?

Ayoko na tuloy umalis.

Syempre joke lang.

Kaya na ni Mo yun. Malaki na yun e. Tsaka baka nga mas gusto pa niyang wala ako para walang sakit sa ulo. Hoho! Magluluto na nga lang ako ng umagahan habang tulog pa si Mo. Malalagot ako sa kanya kapag nagkataong maabutan niya ako sa kusina. Kung bakit? Malalaman ninyo mamaya.

Habang inaayos ko ang mga kakailanganin ko tulad ng mantika, itlog at asin, napagisip isip kong kunin yung laptop ko at magreresearch muna ako ng tungkol sa bansang pupuntahan ko.

Tinype ko ang google.

Searching...

England

The UK, or rather 'The United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland' includes the island of Great Britain (consisting of the countries of England, Scotland, and Wales), and the North-East part of Ireland (Eire). England is an island country situated in North-West Europe, on the island of 'Great Britain'.

Ah so may two kingdoms pala sa UK at yun ang Great Britain at Ireland. Since sa England ako pupunta, Great Britain ang mas pinagtuunan ko ng pansin.

Britain is a country of mixed cultures. London has the largest non-white population of any European city and over 250 languages are spoken there.

250 languages!? Baka naman ibig sabihin nun marunong rin silang magtagalog? Andami kaya nung 250 tapos hindi man lang kasali dun ang Tagalog? Sana naman marunong sila. Feeling ko kapag tumagal ako dun kahit isang araw lang na puro English ng English, mapipiga ang utak ko at may tendency na magkabrain cancer pa ko. Waaa!

England is a land of ancient cities, royal palaces, massive cathedrals, and legendary sites. Mighty castles, stately homes, glorious gardens, and tiny picturesque villages enhance the natural beauty of the countryside. Stonehenge is the most famous prehistoric monument in Britain. It is a circle of stones.

Oo nga. May nabasa na ako nun about sa Stonehenge thingy na to. Ito yung lugar na na makakakita ka ng mga giant stones na para nagpatong patong para makabuo ng different figures.

Buckingham Palace is one of the most popular landmarks in London. It is the London home of the British Royal Family.

Ano kayang feeling ng nasa loob ng palasyo? Hmm. Asa pa kong makakapasok ako dun. Baka nga kahit katulong hindi ako tanggapin e.  Alam ko naman kasi na may mga rules at regulations sa loob ng palasyo na sinusunod at alam kong sa ugali kong tigasin ng ulo malabong sumunod ako sa kung anumang mga yun. Hindi ako yung tipong magbabago ng dahil lang sa kailangan kong makibagay at makisama sa mga taong hindi ko naman talaga kilala. I won't fit with their do's and dont's policy. Kaya para sakin, I'd rather be an ordinary citizen in my own country than to be a part of a royal family na walang ibang ginawa kung hindi makipagkamayan at makipagplastikan.

The London Eye, next to County Hall, is another of London's most modern landmarks.

England's weather can be summed up in two words - mild & varied. One minute it can be gorgeous sunshine, the next it can be cloudy, cold and raining. Even on extremely sunny days during summer, if someone goes out they will usually 'take a coat just in case' for the weather is so unpredictable and can change at any moment.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon